MUNICIPALITY OF CALAMBA, LAGUNA, Historical Data of Part 5 - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF CALAMBA, LAGUNA, Historical Data of Part 5 - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF CALAMBA, LAGUNA, Historical Data of Part 5

Calamba Laguna

PART V

Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V

About these Historical Data

The transcription of this page was done using AI technology.

[p. 81]

This will cause much suffering and may result in death.

Many people still believe in “matanda sa punso”.

These supernatural people can cause pains or sickness. When someone comes near the home of this “matanda sa punso”, these “laman lupa” as many call them, may be happy or angry with his presence. They may cause him sickness, like fever or bodily pains which can be seen on the skin. It is said that when they are happy, the pains or sickness caused by them are not so terrible as when they are angry. The pains or sickness caused by them are easily cured by quack doctors.*

NAMAMATANDA

Ayon sa paniniwala ng mga matatanda, dito sa ibabaw ng lupa ay may mga taong hindi natin nakikita subali’t tayo ay nakikita, na kung tawagin nila ay matanda sa punso. Kapag itong matanda sa punsong ito ay natapakan mo o dili kaya ay nasaktan ikaw ay pagkakasaktin nito. Kailangan daw na kung ikaw ay nagdaraan sa mga tabing ilog, sa bukid o sa mga lilim ng mga malalaking punong kahoy ay sasabihin mo’y “Tabi po nuno,” sapagka’t ang mga pook na ito ang ibig nilang tigilan.

Kung magalit sa kanino man ang matanda sa punso, ito ay nagkakasakit. Lalagnatin o sasakit ang isang bahagi ng kanyang katawan na naibig pasakitin ng matanda. Ayon sa mga manggagamot nito na kung tawagin ay magtatawas, lulubha ang sakit kapag ang may karamdaman ay tinurokan ng iniksion.

[p. 82]

tatawas ng papel. Susulatan ng orasyon ito. Pagkatapos ay magpapabaga ng bao, lalagyan ang baga ng tawas at asin at saka susunugin ang papel. Sa pamamagitan ng papel na ito ay nakikita ang dahilan ng pagkakasakit at ang taong may-sakit ay luluopin ng tatlong hapon at tuluyan ng gagaling sapagka’t ang matanda ay takot sa usok ng pangluop.

Ito ay katawa–tawa subali’t marami ang mani–niwala rito at ang sabi nila ay naranasan na ito sa kanila.

ANG UHIYA AT BALIS

Dito sa Kalamba ay marami pang mga tao na nani–niwala sa “uhiya” o “balis”. Ayon sa mga taong may kaalaman sa panggagamot ng uhiya o balis, ang tao, bata man o matanda, na mabati ng isang taong pagod na pagod at gutom ay lalagnatin, sasakit ang tiyan o magsusuka. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay kailangang pahiran ng laway sa sikmura ang bata o matanda na batiin ng taong pagod at gutom.

Kadalasan ang taong na–uhiya ay nakararamdam ng sakit pagka–alis ng taong bumati. Kung minsan daw ay ang magulang ng bata ng galing sa kanilang gawain ang nakakauhiya o nakakabalis kaya’t kailangang pahiran ng laway ng mga ito ang anak nila kung sumasalubong sa kanila ng sila ay gutom at pagod.

Kapag ibang tao ang nak–uhiya ito ay pangangain at ang laway ay siyang ipapahid sa sikmura ng may sakit at ang may sakit ay madaling gagaling.

[p. 83]

METHODS OF MEASURING TIME

During dry season and at the peep of dawn the old folks could determine the time to be between 5:00 and 5:30 A.M. by looking at the sky.

It would be 12:00 o’clock at noon when the shadow of a person falls directly under him.

At the first crow of the roosters at night they say it is 10:00 o’clock.

At the second crow it is 11:00.

Then at the first crow of the roosters at dawn it is 4:00 A.M.

During the early days, people believed that when they felt hunger gnawing at their vitals at noon it is already 12:00.

In the afternoon, when they see the sun set they believed it was 6:00.

PUZZLES

  1. What three numbers when added and multiplied together will give you the same result?
  2. I saw a flock of birds. I shot it and half of the flock fell. One half of the flock plus the whole flock itself plus one bird equals one hundred. How many birds are there in the flock?
  3. I have twenty meters of cloth. Each day I cut one meter. How many days will it take me to cut the twenty meters of cloth?
  4. Suppose you are a grocer. I went to your grocery and ordered for one yard of ham. There is no ham that is one yard long, what are you going to do?

[p. 84]

  1. What is it that a woman does not have, did not have and never will have but still she can afford to give to a man?
  2. If I own a peacock and this peacock laid its egg in your yard, who has the right to claim the peacock’s egg?
  3. What is the difference between a teacher and an engineer?
  4. If I’m going to give you one centavo, my money and your money will be of the same amount. While if you’ll give me one centavo your money will be half my money. How much money do you have and how much money do I have?
  5. When is a ship said to be on water while it is on water?
  6. How many sides has a circle?

S O L U T I O N S

  1. Nos. 1, 2 and 3.
  2. There are 66 birds in the flock.
  3. Nineteen days
  4. Three feet of ham (3ft. – 1 yard).
  5. A wife.
  6. Nobody. A peacock does not lay egg, being a male bird, it is the peahen.
  7. The teacher trains the mind, while the engineer minds the train.
  8. I have 7 centavos while you have five centavos.
  9. When the ship is on fire.
  10. Two sides, the inner and the outer sides.

ANG PAMAHIIN AY GUMAGANAP NG ISANG MAHALAGANG TUNGKULIN SA PANG–ARAW–ARAW NA KAPANIWA–LAAN NG KARANIWANG PILIPINO

Ang pamahiin’y nagbibigay pa hanggang sa ngayon ng malaking kapangyarihan sa pang–araw–araw na kapaniwalaan ng karaniwang Pilipino. Ang pagkakatatag ng mga paaralang–bayan sa Pilipinas nang panahon ng mga Amerikano ay malaki ang nagawa sa pagtunggali sa pamahiin, ngunit ang karamihan ng mga mangmang na Pilipino’y malabis pa ring nangangapit sa

[p. 85]

pamahiin na minana sa kanilang mga ninuno.

Sa pagiging isang lahi, ang mga Filipino’y hindi naman masasabing lubos ang kanilang pagka–mapamahiin. Ito’y pinatutunayan ng katotohanang maaari nilang talikuran ang kanilang paniniwala sa pamahiin sa pagpapatutoo ng mabuting pangangatuwiran. Maaaring paniwalaan na ang kanilang paniniwala pa hanggang ngayon sa pamahiin ay ipinamana sa kanila at sila’y hinikayat ng ilang tao sa nakikinabang sa kawalang–muwang at pagka–panatiko ng isang lahing binibihasa.

Lahat halos ng mga pamahiing inihahayag sa ilalim nito ay sinusunod pa rin ng mga Pilipinong nasa mababang uri ng kaunawaan.

  1. Bago isilang ang isang sanggol na Filipino’y labis na nag–iingat ang mga magulang nito, upang ito’y sumilang nang maayos. Ang ina’y hindi natutulog sa tabi ng bintanang bukas sa pangambang ang may masamang kaluluwa, tinatawag na “Aswang,” ay baka matangay ang bata. Siya’y naglalagay ng asin kung gabi, upang maitaboy ang impakto.
  2. Sa pagsilang ng sanggol, kung ang inunan nito ay ibaon na may kasamang baraha, pinaniniwalaang ito’y magiging isang manunugal; kung itatapon (ang inunan) sa ilog, ang bata’y isang sipunin; kung ibaong may kasamang isang aklat, ay lalaking matalino; kung ilagay sa palayok at ibitin, ang bata’y tatapang.
  3. Ang mga natutulog na bata’y hindi dapat na gisingin agad sa takot na baka ang kanilang kaluluwang nalalayo ay hindi makabalik nang husto sa panahon. Kung may isang taong

[p. 86]

humakbang sa isang batang natutulog, ang bata’y hindi lalaki; kung kanyang balikan–hakbang ito, ang bata’y lalaki nang katulad ng karaniwan. Ang mga batang isinilang na may ngipin na ay magiging mga dakilang tao. Kung ang mga ngipin sa itaas ang naunang sumibol, ang bata’y lalabas na mapagtagumpay. Ang mga unang ngipin ng bata na mabungi ay dapat na ilagay sa butas ng kawayan, upang ang hahalili sa mga ito ay lumaki agad at maging matuwid.
  1. Sa pagdadala sa bata sa simbahan upang ito’y binyagan, kung sa daa’y may lumagpak na isang dahon sa isang bambang, ang bibinyagan’y lalabas na mabuting manglalangoy; kung ang bata’y makikipaglaro sa pagong, ito’y mabagal at mahina ang ulo.
  2. Ang itlog na bugok ay hindi dapat na ipakain sa mga bata upang ang kanilang isipan ay hindi humina.
  3. Kung ang isang bata ay mahulog, buhusan agad ng tubig ang kinahulugan, upang ang sakit ay mawala agad. (Ito’y kalimitang ginagawa, kung ang bata’y sa harapan nahuhulog.)
  4. Ang mga batang ipinanganak sa araw ay duwag; nguni’t kung sa gabi ay matatapang.

ILAN SA MGA PAMAHIIN SA PAGTATANIM AY ANG MGA SUMUSUNOD:

  1. Kung nagtatanim ng saging ay huwag titingala, sapagka’t ang puno’y lubhang tataas, bago mamunga.
  2. Sa pagdidilig ng bagong katatanim na punong–santol ay magsubo ng isang dakot na asukal, upang ang bunga nito ay tumamis.
  3. Sa pagtatanim ng palay ay magbaon ng ginagamit sa bituka, upang maging malalaki ang

[p. 87]

  1. Sa pagtatanim ng ampalaya ay magsubo ng isang dakot na asukal, upang ang ampalaya ay huwag pumait.
  2. Huwag magtatanim ng punong ilang–ilang nang malapit sa bahay, sapagka’t pag ginawa ito, isang kasambahay ay mamamatay.
  3. Sa pagtatanim ng niyog ay magpasan ng maraming batang madadala, upang ang puno’y mamunga ng marami.

SA DIGMAAN, PESTE, KAGULUHAN AT KAMATAYAN

  1. Kung may usang dumalaw sa loob ng bayan, ang bayan ay dadalawin ng kolera o ibang sakit.
  2. Kung may isang kometang makikita ay may darating na digmaan o peste sa lalong madaling panahon. Kung mamumulaklak ang kawayan, sa taong yao’y may darating na tuyot o tag–gutom.
  3. Ang paghuni ng kuwago sa liwasang–bayan ay nangangahulugang ang bayan ay sasalakayin o dadalawin ng kaguluhan.

SA MGA DALAW

  1. Kung ang butiki ay magkanta o humuni sa may pintuan, may darating na isang panauhin.
  2. Kung maghilamos ang pusa ay may dadalaw na mga panauhin.
  3. Kung magtawa ang apoy sa kalan, hindi malalauna’y may darating na mga panauhin.
  4. Kung makakakita ng siklab sa puwit ng palayok sa pagluluto ng pagkain, sa madaling panaho’y may darating na mga panauhin.

SA ULAN

  1. Kung umubo ang baka ay uulan nang malakas at aapaw ang mga ilog.
  2. Ang pagpapaligo sa pusa ay nagpapaulan.
  3. Kung ang isang palaka ay patayin nang nakaharap sa langit, ay uulan sa araw na yaon, kung hindi ma’y sa susunod.

[p. 88]

  1. Pag maraming langgam na may pakpak ang makikitang nagliliparan sa gabi, nangangahulugang maraming araw na maulan ang susunod.
  2. Kung may isang ahas na tumawid sa ilog, ito’y nagpapahiwatig na magkakaroon ng malaking baha.
  3. Pag nagbabahin ang isang kalabaw ay uulan.

KIDLAT AT KULOG

  1. Ang tuko sa bahay ay nag–aanyaya sa kidlat. Upang huwag tamaan ng kidlat ang bahay, maglagay ng suka sa isang plato at ilagay iyan sa pinto o sa bintana. Kung kumikidlat ay takpan ang mga salamin, upang ang bahay ay huwag tamaan ng kidlat. Pinaniniwalaang ang kidlat ay nagpapasibol sa kabuti. Pinaniniwalaang ang kidlat ay hindi tumatama sa punong–santol, sapagka’t ang lahat ng mga santo sa Pilipinas ay yari sa kahoy na santol.

IBA PA

  1. Kung ang isang manunugal ay makapulot ng barya patungo sa sugalan, siya ay mananalo.
  2. Kung makagat ang dila sa pagkain, mayroon naguusap ng masama ukol sa iyo.
  3. Ang paghihinuko sa mga araw na may “r” (Martes, Miyerkoles, Biyernes) ay nagpapamutok sa mga balat ng malapit sa sinisibulang ng mga kuko.
  4. Kung iiwanang bukas ang palabigasan, ang bigas ay madaling maubos.
  5. Masamang ugaliing gastahin ang kuwalta sa gabi, sapagka’t nawawala ang kanilang kapalaran at maaring manatili sa gayong kalagayan.
  6. Kung ilalagay ang isang aklat sa ilalim ng unan ay madaling malalaman ang nilalaman ng aklat na iyan.
  7. Kung ang aso’y maghukay sa puno ng hagdan ay may mamamatay sa bahay.
  8. Ang mga mamamatay sa kamusmusan ay sasalubong sa kanilang mga magulang sa langit na sila’y may dalang kandilang may sindi.

[p. 89]

  1. Ang kaluluwa ng mga namamatay ay dumadalaw sa mga kamag–anak sa ikatlong araw sa kanilang pagkakalibing.
  2. Kung pumutak ang isang inahing manok sa gitna ng gabi, ay may isang taong mamamatay.
  3. Huwag magsusuklay ng buhok sa gabi; kung gagawin iyan, ang iyong ina ay mamamatay.
  4. Kung mapangarap na nalaglag ang isang ngipin ay may isang kamag–anak na mamamatay; kung bagang, maaring ang iyong ama o ina.
  5. Huwag maghinuko sa gabi, sapagka’t ang inyong mga magulang ay mamamatay.
  6. Ang pagwawalis sa gabi ay nagpapamulubi.
  7. Ang isang parueparong itim na makita sa inyong silid sa loob ng bahay sa hindi karaniwang pagkakataon ay nangangahulugang may isang kamag–anak kayong patay o may sakit.
  8. Huwag magpayong sa loob ng bahay sapagka’t manlalaglag ang mga alupihan.
  9. Huwag umupo sa isang hapag na ukol sa labing–tatlong tao. Isa sa mga iyan ay mamamatay pagkalipas ng ilang araw.
  10. Kung ang isang bahay ay nilagyan ng hagdang nakaharap sa silangan, ang mayari ay masuwerte o mapalad.
  11. Kung mapanaginipang mong ikaw ay lumulusong sa tubig o naglalayag sa dagat, ay may mamamatay sa iyong kamag–anak o pamilya.
  12. Kung may magkapatid na babaing kapuwa nag–aawa nang sukob sa taon, isa sa kanila ay mamamatay o ang isa sa kanila ay mababalo.
  13. Ang isang taong may nunal sa loob ng mata ay nababalo agad.
  14. Kung mapanaginipang ikaw ay ikinasal o nakatanggap ng damit pangkasal, nangangahulugang pagkalipas ng ilang araw, ikaw ay mamamatay.
  15. Kung mayroong maysakit at makarinig ka ng huni ng kuwago sa gabi, ang maysakit ay tiyak na mamamatay sa susunod na araw.
  16. Kung malambot ang katawan ng isang namatay ay nagpapahiwatig na may susunod sa kanya sa isang kasama sa bahay.

Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V

Transcribed from: Historical Data of the Municipality of Calamba, Province of Laguna, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post