MUNICIPALITY OF SARIAYA, QUEZON, Historical Data of Part 3 - Philippine Historical Data MUNICIPALITY OF SARIAYA, QUEZON, Historical Data of Part 3 - Philippine Historical Data

MUNICIPALITY OF SARIAYA, QUEZON, Historical Data of Part 3

Sariaya Quezon

PART III

Part I | Part II | Part III

About these Historical Data

[p. 41]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Aba! Divina de gracia, malayo ang bulaklak sa bunga. ( Mais )
  2. Maliit pa si Kumari, nakaakyat na sa tore . (langgam)
  3. Huris puso, kulay ginto, masarap kanin, mahirap kunin. (Mangga)
  4. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. (Kasoy)
  5. Nang ihulog ko’y manga binlid, ng hanguin ko’y ga-hihip.(Ibanos)
  6. Kung umaga’y maalwan na, sa gabi nama’y parusa. ( Uhan)
  7. Oo nga’t sili nasa loob ang aligi. (Alimango)
  8. Ang Kastila’y nakadaan, ang Tagalog ay naiwan. (Palay at Bigas)
  9. Isang panyong parisukat, pagbuka’y nakakausap. (Liham)
  10. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. (Bibig at Ngipin)
  11. Isang malaking ponsiyon, iisa ang umiinom. (Paring nagmimisa)
  12. Napupuno’y hindi sinisidlan, nagkukulang ay di binabawasan.(Niyog)
  13. Taong buhay, inaanay. (Bulutungin)
  14. Walang binhi’t walang tanim, taon-taon ay nakakain. (Kabuti)
  15. Ito na si lelong, bubulong-bulong. (Bubuyog)
  16. Nagtago si Pero, nakalitaw ang ulo. (Pako)
  17. Ito na si bayaw, dala-dala’y ilaw. (Alitaptap)
  18. Kung araw ay yumaon ka, kung gabi’y halika. (Bintana)
  19. Kalga ng kalga, walang upa. (Haligi ng Bahay)
  20. Isang babae, sa tagiliran lang dumumi. (Gilingan)
  21. Walang buto, walang tinik, parang lintik kung magalit. (Linta)
  22. Nang maliit ay nakatapis, noong lumaki’y bulislis. (kawayan)
  23. Maliit pa si si Kito,marunong manukso. (Lamok)
  24. Lalabas papasok ang dala’y panggapos. (Karayom at Sinulid)
  25. Isang parang tabo, lama’y parang pako. (Suha)
  26. Umupo sa itim, sinulot ni pula, hayan ba si puti na kakarakara. (Singsing)
  27. Walang itak, walang kampit, gumagawa ng mahal na ipit. (Gagamba)
  28. Tumutulo ang balisbisan, tuyong-tuyo ang bubungan. (Tungtong)
  29. Sa init ay masaya, sa lamig ay nalalanta. (Akasya)
  30. Dalawang bakod-bakuran, sari-sari ang nadaan. (Bibig)
  31. Ang anak ay naupo na ang ina ay gumagapang pa. (Kalabasa)
  32. Tabla ang kabila, alulod ang gitna. (Dahon ng Saging)
  33. Ito na si Kaka, may sunong na dampa. (Pagong)
  34. Sinampal ko muna bago ko inalok. (Sampalok)
  35. Buhok ni Adan, di mabilang. (Ulan)
  36. Buhok ng pari, di mawahi. (Tubig)
  37. Mataas pag nakaupo, mababa pag nakatayo. (Aso)
  38. Isang biyas na kawayan, puno ng kamatayan. (Baril)
  39. Mayamang magkakapatid, tigi-tigisa ng silid. (Kuko)
  40. Walang sala’y iginapos, niyapakan pagkatapos. (Sapatos)
  41. Bapor sa katihan, sa damit ang daan. (Plantsa)
  42. Kahoy ko sa bundok, sariwa ay sunog. (Tubo)
  43. Hinalo ko ang nilugaw, nagtakbo ang inihaw. (Bangka)
  44. May ulo’y walang paa, may katawan ay walang mata. (Apuyan)
  45. Kitaga-kitaga, walang tatal sa lupa. (Habihan)
  46. Ang dalawa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na . (Matanda)
  47. Maitim na parang uwak maputing parang bulak, walang paa’y nakalalakad sa hari’y nakikipag-usap. (Sulat)
  48. Aling itlog ang may buntot. (Lisa)
  49. Nakaluhod kung gawin, nakaamba kung lutuin. (Tsokolate)
  50. Hindi hayop, hindi tao, Ate ng lahat ng tao. (Atis)
  51. Kung pabayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay.(Makahiya)
  52. May ulo’y walang sikmura namamahay ng sadya. (Palito ng Posporo)
  53. Nang ihulog ko’y buto, ng hanguin ko’y torompo. (Singkamas)
  54. Bagama’t nakatakip ay nakakasilip. (Salamin sa Mata)
  55. Pagsipot na sa maliwanag, kulubot na ang balat. (Ampalaya)
  56. Bumubuka’y walang bibig,ngumingiti ng tahimik. (Bulaklak)

[p. 42]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Nagsaing si Porong, sa ibabaw ang tutong. (Bibingka)
  2. Haba mong kinakain, lalo kang gugutomin. (Purga)
  3. Kung kailan tahimik, saka nambubuwisit. (Lamok)
  4. Nagbibigay na'y sinasakal pa. (Bote)
  5. Puno'y layo-layo dulo'y tagpo-tagpo. (Bahay)
  6. May ulo, walang tiyan, may liig walang baywang. (Prasko)
  7. Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. (Akasya)
  8. Iisa na kinuha pa, sa lamig ay nalalanta. (Tuwalya)
  9. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis dito. (Duyan)
  10. Ito na,ito na , di mo nakikita. (Hangin)
  11. Hinila ko ang yantok, nagdilim ang bundok. (Ilawan)
  12. Bahay ng anluwagi, iisa ang haligi. (Bahay-Kalapati)
  13. Malalim kung bawasan, mababaw kong dagdagan. (Tapayan)
  14. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan. (Bangka)
  15. Bahay ko sa Pandakan, malapad ang harapan. (Pier)
  16. Baka ko sa Maynila, abot dito ang unga. (Kulog)
  17. Tinaga ko sa gubat, sa bahay umiiyak. (Bandurya)
  18. May puso, walang sanga, May dahon walang bunga. (Sandok)
  19. Nakaluluoy, walang init, umaaso kahit malamig. (Yelo)
  20. Walang ngipin walang panga, mainit ang hininga. (Baril)
  21. May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat lumukso ng pitong gubat. (Alon)
  22. Buka kung hapon, kung umaga’y lulon. (Banig)
  23. Aling maputing retrato ang kujang-kuha ang mukha mo. (Salamin)
  24. Isang batal yong sundalo, iisa ang kabo. (Bituin at Buwan)
  25. Tubig na pinagpala, wadang makakuha kundi bata. (Gastas ng Ina)
  26. Mayroon akong alipin, sunod ng sunod sa akin. (Anino)
  27. Bahay ni Kaka, hindi matingala. (Noo)
  28. Malayo pa ang sibat, nakanganga na ang sugat. (Bibig)
  29. Hindi isda, hindi itik, nakahuhuni kung ibig. (Palaka)
  30. Pisong hindi magasta, pisong hindi kumita. (Lipong)
  31. Nagsaing si Bulotong, kumukulo’y walang gatong. (Gugo)
  32. Alon sa buong katawan, ang nasa likod ang tiyan. (Binti)
  33. Baras ng kapitan, hindi malakdawan. (Ahas)
  34. Dalawang libing, laging may hangin. (Ilong)
  35. Heto-heto na napupotot, walang dala. (Kuba)
  36. Nang maglihi ay namatay, ng manganak ay nabuhay. (Sineguelas)
  37. Alisto ka pandak, daratnan ka ng mabigat. (Dikin)
  38. Naibigan pa ang basag kaysa buong walang lamat. (Kamatsile)
  39. Maitim na parang tinta, pumuti ay hindi kinuha. (Uban)
  40. Hindi hayop, hindi tao, walang paa’y tumatakbo. (Agos)
  41. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan. (Pinya)
  42. Hindi madangkal, hindi madipa, pinagtutulongan ng dalawa. (Karayom)
  43. Ng maala-ala ay iniwan, dinala nang makalimutan. (Amorsiko)
  44. Kung araw ay natutulog, kung gabi ay naglilibot, (Kuwago)
  45. Buhay na hindi kumikibo, patay na di bumabaho. (Bato)
  46. Apat na magkaka-amigo, panay biyak ang ulo. (Haligi)
  47. Kahoy ko sa Marigundon, nasangay walang dahon. (Sungay ng usa)
  48. Dalawang ibong marikit, naninimbangan sa siit. (Hikaw)
  49. Bumili ako ng alipin mataas pa sa akin. (Sombrero)
  50. Ano ang nasa gitna ng dagat. ("G")
  51. Bubong ay kawali haligi ay bali-bali. (Alimango)
  52. Kandado roon, kandado rito, kandado hanggang dulo. (Kawayan)
  53. Labindalawang puno ng kahoy, iisa ang dahon. (Isang Taon)

[p. 43]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

1. May isang tanging puno ng mansanas na tinatanuran ng isang mabangis na bakulaw. May isang tao na nais kuhanin ang isang bunga upang igamot sa isang may sakit. Papaano nakuha ng taong iyon ang nais niyong bunga?

Sagot: Binato noong tao yaong mansanas. Hindi tinamaan yaong mansanas kundi yaong bakulaw. Nagalit ang bakulaw at ng wala siyang makuhang pambato ay isang bunga ang kanyang ibinato.

2. May isang mahabang tulay na may dalawang tanod sa magkabila. Ang bawat dadaang tao ay magbabayad bago makalampas. May isang tao na walang maibayad. Anong paraan ang ginamit nong tao para siya makalampas?

Sagot: Pagdating niya sa unang bantay sinabi niyang doon na sa susunod na bantay siya magbabayad. Siya'y pinalampas. Pagdating niya sa ikalawang bantay ang sabi naman niya ay nakabayad na siya sa unang bantay. Naniwala rin ito at siya'y nakalampas rin.

3. May isang bahay pasugalan. Hinuli ang mga magsusugal. Tumanan ang bahay, sa bintana nagdaan.

Sagot: Isda, lambat at tubig.

4. May isang taong natutulog. Hinabol ng leon, upang huwag abutin ng leon, siya'y umakyat sa punong-kahoy. Sa itaas ng punong-kahoy ay may malaking sawa. Papaano siya nakaligtas ?

Sagot: Gumising

5. May isang taong inutusan ng hari na kunin ang kayamanang naiwan sa gubat. Ang sabi ng Hari ay kailangang siya'y dumating sa alas dos. Lumakad na ang inutusang tao upang tumupad sa utos ng Hari. Nakasapit siya ng bugat at nakuha niya ang kayamanan. Pagbalik niya ay nakasalubong ang leon. Anong oras noon?

Sagot: Oras ng pagtakbo.

6. May isang bahay na tinitirahan ng isang doktor. Sa pintuan ng bahay ay may isang tanod na kahit na anong iyong itanong ay hindi ang isasagot. May isang tao na nais magpagamot sa doktor. Anong kanyang sinabi at siya'y pinalampas ng tanod?

Sagot: Magagalit ba kayo kung ako'y pumasok? "Hindi," ang sagot ng tanod kaya tuloy-tuloy siyang pumasok.

7. Ang Hari ay may sampong kabayo, Gusto ng Mahal na Hari na ang sampong kabayong iyan ay mapasilid sa siyam na bakid. Papaano naipagkasya ni Juan ang sampong kabayo sa siyam na bakid?

Sagot: Isinulat ang "Ten Horses" (bawa't titik) ay isinulat sa isang bakid.

8. Halimbawa, ako'y nakakita ng 6 nakapulot na baente sentimos. Apat kaming magkakasama. Magkaano ang tatanggapin ng bawat isa kung hahatiin?

Sagot: Wala, sapagka't halimbawa lamang.

[p. 44]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

V- Proverbs and Sayings:

  1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan di makararating sa paruruonan.
  2. Ang langit ay di maabot ng hindi naghanda, at burak ang loob.
  3. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
  4. Ibon na umalis sa sariling pugad, sa hapo'y babalik pagdating ng oras kahit man punit-punit ang pakpak.
  5. Yaong may malakas na puso at loob Ang kapatid ng tuwa at lugod.
  6. Pag ikaw ay humatol, ikaw naman ang hahatulan.
  7. Ang pinid na bibig ay di dinadapuan ng langaw, At hindi rin lumilikha ng maraming kaaway.
  8. Sukat sa katagang sabi sa marunong umintindi.
  9. Sa bawa’t pilantik ng dila ay maraming nagagawa.
  10. Ang makinig sa sabi-sabi, walang bait na sarili.
  11. Ang dila ay di patalim, nguni’t kung sumugat ay malalim.
  12. Daigdig ay isang dula’t palakasan Ang sanay at tangi ang nagtatagumpay.
  13. Anak na di masupil, ina ang paluluhain.
  14. Ang datihan sa sipag, yayaman agad.
  15. Mapalad ang matino’t masipag Malapit sa Diyos sa Araw ng Bukas.
  16. Maging sundalo ka sa likod ni Rizal At ng manatili ang dangal ng bayan.
  17. Ang araw mo ngayon ay sikat, ang sa iba nama'y bukas.
  18. Ang mahirap sa mayaman, ang dukha'y pakisamahan, Mahirap sa dukha naman, sa mayaman makipasan.
  19. Ang abas ay lumalki sa mga balita.
  20. Huwag kang humagis, ng di ka hagisin.
  21. Ang salitang matamis, sa puso’y nakaaakit, at nagpapalubag ng galit.
  22. Dino mo man ibigin, huwag mong pakahiyain.
  23. Ang mahabang paguulayaw, nakakawalan ng galang.
  24. Nakikita ang butas ng karayom, Ay di Nakikita ang butas ng palakol.

[p. 45]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Ang tao patay ma’t maganda ang asál ay parang buhay din kung pagsabihanan.
  2. Ang magandang pangungusap, sa puso’y nakalulunas.
  3. Ang tunay na pag-aanyaya, sinasamahan pa ng hila.
  4. Ang tao ay hanggang mayaman, marami ang kaibigan. Pag naghirap na ang buhay, di na batiin man lamang.
  5. Pag wala ang pusa, naglalaro ang daga.
  6. Ang tubig na matining, arukin mo at malalim.
  7. Ang maluwag na sagot, nakakapawi ng poot.
  8. Huwag kang magbuhat ng sariling bangko.
  9. Sugat ng patalim, kay daling bahawin, dila pag sumugat, timo hanggang libing.
  10. Pag binato ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
  11. Kung sino ang maawain, ay siyang mapalarin.
  12. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
  13. Huwag mong gawin sa kapuwa mo, yaong ayaw mong gawin sa iyo.
  14. Ang inahing mapagkopkop, di man anak ay sinusukob.
  15. Ang taong sadyang mabuti ay di nangangailangan ng papuri.
  16. Ang inang walang malasakit sa anak ay walang pag-ibig.
  17. Walang masamang tutong sa taong nagugutom.
  18. Nakikilala ang taong mabait sa kumpas ng kamay at bukas ng bibig.
  19. Ang magkawang-gawa ay mahalaga kaysa isang bunton ng ginto’t pilak.
  20. Magbigay ka at ng ikaw naman ay pagbigyan.
  21. Mga handog at biyaya, bato man ay napalalata.
  22. Ang magbigay ay mabuti pa kaysa tumanggap ka.
  23. Ang hindi makinig sa payo, pagtanda’y tarantado.
  24. Ang kahoy na kilo at baluktot, hutukin hanggang malambot. Pag tumaas na at tumayog, hihirapin ka ng paghutok.
  25. Gawain ang ating katungkulan, ang iba ay ipaubaya Sa Maykapal.
  26. Kaya nga’t taratok, kahit na may tao.
  27. Sumunod ka muna bago ka magmanda.

[p. 46]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Kung anong tanong, siyang sagot.
  2. Kurus man daw ay tingting, dapat mo ring sambahin.
  3. Ang taong masunurin ay pinupuri ng sino ma’t at alinm nguni’t kung masungit at suwail, sa impiyerno ma’y di tanggapin.
  4. Ang nagsasabi ng totoo, ay anak ng tao.
  5. Sa bibig nahuhuli ang isda.
  6. Salitang mabitiwan, di na mapapagbalikan.
  7. Naghahanap ng karakot, nawawala’y isang dakot.
  8. Walang matibay na bakod sa taong natatakot.
  9. Ang hanap sa bula-bula, sa bula-bula din nawawala.
  10. Nahiyaw ang may sala, nahingi ng parusa.
  11. Pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
  12. Huwag kang magnasa sa hindi mo ari.
  13. Ang buyo ay upang ikaw ay malugso, ang saway ay upang ikaw ay mawasto.
  14. Ang buhay ng tao’y isang talinghaga, ngayon ay langit ka bukas ay lupa ka.
  15. Sa pagsasaka ma’y di ngayo’t ngayon din, paghagis ng binhi’y agad ng susupling.
  16. Ang taong marangal dakila at banal, bato sa labanan hanggang sa mamatay.
  17. Pag apoy ang ipinatay, sa apoy na nagliliyab sa halip na masubhan mo’y lalo itong lalagablab.
  18. Paano mo masasabing ang patalim ay matigas, kung hindi mo itataga nang talagang ubos lakas.
  19. Kung ang puno ang haling, sundalo pa ang gumaling.
  20. Talagang ang puso nang isang mahirap Ay mararamdamin kahi’t kaunting sugat.
  21. Itong buhay natin ay gaya ng ilog, kung saan mababa ay doon aagos.
  22. Kung ibig mong iyang dahas ay ganap na pasukuin, kabaita’t pagmamahal, ang sandata mong gagamitin.
  23. Di baga’y ang kristal kapagka nabasag, buuin man uli’y basag din at may lamat.
  24. Kahit pangit na halaman pag may bunga na sa sanga, titigan mong ulit-ulit, kung malao’y gumaganda.

[p. 47]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Huli man ang gamot, pag talagang lunas ay naampat din ang kirot ng sugat.
  2. Matino ang taong marunong umurong sa isang landasing ang dulo’y kabaong.
  3. Kung titingnan mo ang dila’y kapiraso laang laman, subali’t ang magagawa’y malaking kasiraan.
  4. Iyang sunog, bago naging isang sunog na malaki, munti-munting titis muna, bahagya ng magsasindi.
  5. Kay hirap anihin ng kaligayahan na hindi napunla sa isang binhian.
  6. Sa anong mang gagawiin mo’y huwag kang pabigla-bigla upang ika’y makatiyak na tumpak ang ginagawa.
  7. Huwag mong bilangin ang ibong lumipad na binaril mo nga’y di pa nalalaglag.
  8. Kaya mo lang makilalang ay buhay mo’y nanganganib kung ikaw ay talaga ngang sa sakuna’y nabibingit.
  9. Babae ma’t gagamit din ng paraan at talino, maaaring makadurog ng korona at ng setro.
  10. Halaman ma’t hindi akma sa lupa mong pinagtamnan, bukod sa hindi tutubo’y walang bungang makakamtan.
  11. Iyang nag-limbot ay talagang ganyan, sanay magkunwari’t bihasang manlinlang.
  12. Pagka hindi hinog iyang bungang kahoy, di malalasahan kanin ma’y sang bakol.
  13. Kapagka matindi ang sumpa at galit, gayon din kataos naman ang pag-ibig.
  14. Kung mahal mo ako’y hindi ka papayag na ako’y maagaw ng ibang paglingap.
  15. Gaano man kalaki ang nagawang mali, kung pagtitikahan ay maiiuli.
  16. Iyang baging kaya lamang nakatayo’t nakatindig, kung mayroong kakapitang kahit tangkay na matinik, iyang taong walang kayang pagsisikap, dangal, bait iya’y baging na mahina, walang lakas na magtiis.
  17. Ang may kasalana’y daling mahalata, parating malikot at mapagsalita.
  18. Pag naroroon na’y gaano man kabigat, ay papasanin mo ng ganap na ganap.
  19. Malakas magturo ang ipinagdanasan ng tumpak na landas na dapat lakaran.

[p. 48]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Kung maysakit ang sarili, ang dami ng pintakasi, pag magaling na’t mabuti, Diyos man ay di masabi.
  2. Kailan man at masama iyang iyong pinuhunan, ay dapat na lalang sana ang tubo mo’t pakinabang.
  3. Pag hindi ukol, kahit pagpilitan ay hindi bubukol.
  4. Ang pagkakaisa’y lakas, ang pagkakasira’y bagsak.
  5. Kahit na tikatik kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay napa-aapaw.
  6. Sa panahon ng kagipitan nakikilala ang kaibigan.
  7. Mamatay sa gutom na makalalaya’y higit na mabuti sa aping mataba.
  8. Sino mang mayamang lagi sa panganib, daig ng mahirap na laging tahimik.
  9. Ang masamang binhi pag hindi nalipol, magiging panganib sa habang panahon.
  10. Ang kahoy na ngawit sa pagkabaluktot, mahirap ng ituwid.
  11. Magdamit hari ka man kung talagang hangal, mahahalata rin sa kilos at asal.
  12. Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
  13. Walang namatay sa ato, kundi si Perong aso.
  14. Ang hindi nakipagsapalaran, hindi makatatawid sa dako roon ng karagatan.
  15. Kung mayroon kang itinanim, mayroon kang aanihin.
  16. Kung mayroon kang puhunan, mayroong mapapakinabang.
  17. Magtipon kang maaga at ng huwag kang ngangapangapa.
  18. Ang arimunha’t atikha, gamit sa panahong wala.
  19. Ang taong palatulog, ginto man ang mahulog hindi makakapulot.
  20. Ang bato ay hindi lalapit sa suso.
  21. Ang hindi marunong magtipid walang hinayang magtapon.
  22. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

[p. 49]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Kung magtanim kang maaga, mag-aani kang walang sala.
  2. Huwag kang kasisiguro, kuwaresma man ay nabagyo.
  3. Walang utang na hindi pinagbabayaran.
  4. Kung ano ang bukang-bibig, siyang laman ng bibdib.
  5. Ang nagtatanim ng hangin, bagyo ang aanihin.
  6. Ang bato man ay matigas, sa patak ng ulan pilit maaagnas.
  7. Walang matimtimang birhin sa matiyagang manalangin.
  8. Ang di magtiis at magbata, di magkakamit ang ginhawa.
  9. Ang dalagang magaslaw, parang asing nakahanay, ibigin man ay di totohanan.
  10. Kahoy na babad ng tubig sa apoy huwag ilalapit, kapag nadarang ng init, sapilitang magdirikit.
  11. Makikilala mo ang taong may bait sa kilos ng kamay at buka ng bibig.
  12. Hindi sukat maniwala sa mga sabi at wika, patag na patag ang lupa sa ilalim ay may lungga.
  13. Anak na di paluhain, ina ang patatangisin.
  14. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang tumanda.
  15. Mayaman ka ma’t marikit, mabuti sa pananamit, kung walang sariling bait, walang halagang gahanip.
  16. Bago ka pumuna ng uling ng iba, mangyaring pahirin ang uling mo muna.
  17. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
  18. Hindi mayayari ang anuman kung hindi gagamitan ng tiyaga.
  19. Mabuti pa ang taong matakaw kaysa taong magnanakaw.
  20. Ang lumakad ng maraha, matinik man ay mababaw.
  21. Tuso man ang matsin ay napaglalalangan din.
  22. Ang uri ng tao ay wala sa yaman, wala rin sa dunong at wala rin sa kagandahan. Ang uri ng tao’y nasa gintong asal na hiyas ng kanyang dangal at pangalan.
  23. Humihihip ka sa lusong sa mukha mo ang tapon.
  24. Walang mataas na bakod sa taong natatakot.
  25. Kapag nakabukas ang kaban, natutukso kahit banal.
  26. Magtipon hanggang maaga, kung gumabi’t dumilim na hindi na makakita.

[p. 50]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Di lahat ng marumi ay basahan.
  2. Bahay mo man ay bato, kung tumitira’y kuwago, mabuti pa’y isang kubo na ang natira’y tao.
  3. Kahit anong kanin, kung sa apoy luto, pag di pinalamig ay nakapapaso.
  4. Sapagka’t ang punong masakim sa yaman ay mariing hampas ng langit sa bayan.
  5. Sa diwa ng Pasko ay nakahabiling ano mang hidwaan ay dapat limutin.
  6. Habang iyang tao’y nasa kagipitan, ang sumapi’t pangako’y walang katapusan.
  7. Ang isang tao ay nabuhay para gumawa at gumawa naman para mabuhay.
  8. Ang kasipagan ay kapatid ng kariwasaan.
  9. Ang kasipagan ay isa ng kayamanan at kaginhawahan.
  10. Ang taong matiyaga ano man ay nagagawa.
  11. Walang batong sakdal tigas na sa patak ng ula’y di naaagnas.
  12. Ang ulang tikatik, siyang madalas makaputik.
  13. Pag maaga ang lusong, maaga rin ang ahon.
  14. Nagsisi ka man at huli, wala nang mangyayari.
  15. Walang unang sisi sa unang nangyari.
  16. Nang magsalakot, basa na ang tuktok.
  17. Ang panahon ay samantalahin pagka’t ginto ang kahambing.
  18. Kung ano ang kapangyarihan, siyang kahihinatnan.
  19. Ang kamalian nang mahirap ay napupuna ng lahat.
  20. Parang baboy na gagala-gala, laman at mantika ay masama.
  21. Ang kamalian ng mayaman ay pinaparang walang anu-man.
  22. Ang taong walang pilak, parang ibong walang pakpak.
  23. Ang tamad na tao, ang halaman ay damo.
  24. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot.
  25. Ang kapalaran ko’y di ko man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin.
  26. Sa lakad ng panahon ay sumasalubong.

[p. 51]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Kaawa-awa ka sa alimos, manok mo’y mauubos.
  2. Sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan.
  3. Ang kayamanan ay dagli, ang kahirapa’y lagi.
  4. Walang matigas na tutong, sa taong nagugutom.
  5. Iba na ang pugong huli na, kay sa pugong huhulihin pa.
  6. Ang di tumingin sa una, sa huli’y mapapag-isa.
  7. Marami sa bilang, wala ni isa man.
  8. Sa payo ng nagigipit, hindi ka dapat manalig.
  9. Mabuti ang munti na pigil sa palad kaysa malaking nasasa-dagat.
  10. Sapat na sa akin ang mismis sa bukid kaysa isang piging sa bayang ligalig.
  11. Nais ko pang ako ay aba’t maliit kaysa malaki nga’t buntuhan ng galit.
  12. May maraming walang bilang, at mauisa na matimbang.
  13. Ubos-ubos biyaya, maya-maya’y wala.
  14. Pinupuri sa harapan, nililibak sa likuran.
  15. Kung sinong bantay, siyang sasalakay.
  16. Kung gaano kataas ang pagkadakila ay siyang lagapak pagbagsak sa lupa.
  17. Ipinid mo yaang bibig at ng huwag lumigalig.
  18. Ang puri ng tao kung hahalagahan ay paris ng tubig na nasa tapayan, sa kaunting langis, ito’y napatakan, di na iinumin at pandidirihan.
  19. Kung ika’y ma’y isang duwag at takot makilaban, matututong lumaban ka kapag ika’y hinahalay.
  20. Kung ikaw ay liligo sa tubig aagap ng di ka abutin ng tabsing ng dagat.
  21. Pag ang tao’y nagka-imbot sa salaping kumikinang, pananakim ang sambitla sa halip na pagdarasal.
  22. Ang pagibig ay di tulad niyang binhi ng halaman na ang araw ng pagtubo ay may bilang pa ng araw.
  23. Ang damdamin sa pagibig, kahit di mo sinasadya, sa munti kang magkabiso’y agad napaghahalata.
  24. Gumawa ka ng mabuti at marami ang pupula. Gumawa ka ng di wasto at marami ang hahanga.

[p. 52]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

  1. Kung talagang iibigin, masama man ang simula, maaaring baguhin pa’t sa mabuti’y mai-alma.
  2. Ang buhay ng taong masama’t masakim, bangkang naglalayag sa laot ng lagim.
  3. Kaya lamang naiiba sa hayop ang isang tao, itong huli ay may budhing masama ma’y nababago.
  4. Ang masunuring anak sa magulang, nagkakamit ng kayamanan.
  5. Ang mangga ay hindi bubunga ng pinya.
  6. Ang panalangin ay di pahabaan, kahit na maikli ay mabisa lamang.
  7. Kaya lamang nasusukat ang dalisay na pagibig kung makitang ang kasuyo’y nasusunog sa panganib.
  8. Kung ang dangal ng lalaki’y isang buhay ang katumbas, buhay rin ang kabayaran kapag ito’y iwinasak.
  9. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa.
  10. Malakas ang bulong sa sigaw.
  11. Walang bulol na di umaalingasaw.
  12. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay nakapit.
  13. Ang palalong walang tuto, api saan man tumungo.
  14. Kung alin pa yaong katulong sa buhay ang siyang parating naiwawalang saysay.
  15. Pag pinatulan mo ang munting kaaway, malamang na ikaw ang siya pang masaktan.
  16. Hindi mo dapt asahan ang pangako ng kaaway.
  17. Kung tayo ay mamatay, lahat ay pantay-pantay.
  18. Ang umiilag sa baga, sa ningas ay sumugba,
  19. Walang gaya ng katotong tapat kung magaling at di sukab.
  20. Bago ka makipag-ibigan, isipin mo munang mataman, at kung minsan kaliwang kamay ay tinataga rin ang kanan.
  21. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
  22. Hindi lumalaki ang daga, kung hindi lumalaglag sa lupa.
  23. Ang panday bakal siyang walang sundang.
  24. Ang bulsa ng mayaman ay parating kulang.

[p. 53]

HISTORY AND CULTURAL LIFE OF THE TOWN
Part Two : Folkways

VI- Methods of measuring time, special calendars:

During the early time, there were no calendars and clocks to measure time. The only means that the natives used were the sun, moon, birds, season, and shadow.

The rising of the sun tell them that it was morning and while the setting of the sun make them able to tell that it is afternoon. When the sun is overhead, it was noon. So a day begun from the setting to the rising of the sun, and a night begun from the setting to the rising of it.

The moon was used to measure the month. One rotation of the moon from the very first appearance of it till the full moon mean almost 30 days, so they could tell that 12 full moons equals one year.

The changes in season lead to the changes in the life of plants and animals as well as that of man. The season tells man what to do and what not to do. So the folks found out that the season was a good means of measuring time.

The moon changes its shape from night to night. What the native see tonight, may not be what will they see tomorrow night. This changes in the shape of the moon takes 30 days.

The birds were used in telling time. When the hornbill “calao” called “Calao-ao-ao” it means that the time is 12:00 O’clock.

The shadow was also used. When the shadow was long it means that it was still morning or afternoon. When there was no shadow, it was noon.

The first calendar adopted here was the one brought by the Spaniards. But the natives took a long period of time before they see a real calendar. That was only when the Americans came, when the natives used calendar.

Part I | Part II | Part III

Transcribed from: Historical Data of the Municipality of Sariaya, Province of Quezon, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Previous Post