MUNICIPALITY OF TAYABAS, QUEZON, Historical Data of Part 3
PART III
Part I | Part II | Part III | Part IV
[p. 41]
Araw mo’y natapos sa kadalagahan
At kaharap ka na’y sa katahimikan.
Tulo’y lilisanin ang lahat ng bagay
At baka masawi sa asawang hirang.
Ang estadong iyan na iyong tinanggap
Nena ay wala ng makakasing bigat.
Kung ang asawa mo’y matutong magsukab
Diyan sa buhay mo’y siya ang kamandag.
Ano pa’t ang iyong haharaping buhay,
Katali ng madlang mga kahirapan.
Kung magkabihira ay tapat na ang asal
Ay madalas ka pang na pagiisipan.
Kahimanawari, kasihan ng langit,
Pagsasama ninyo, lumaging matamis.
At maingatan din, sa ikabubulid
Sa daya ng mundong laging umuusig.
AWIT NG BAGONG KASAL (Tune: Paawitan)
Note1: This song is sung alone by the husband or wife as they separately go to their in-laws. Each has a cup of wine which he or she gives after singing to his or her in-laws as a sign of goodwill. Besides, this serves as an self-introduction to his new relatives. In return they might ask him or her to dance before they present their wedding gifts.
INTRODUCTION
Dudulogin ko na’t aking lalapitan
Tungkol sa parientes na kinararagdagan
Akong naparagdag, mahirap ang buhay
Huwag naman ninyong kapapahirapan.
TO THE FATHER OR MOTHER-IN-LAW
Dudulugin ko na ang aking bianan
At itatanong ko kung ako’y manugang.
Kung makapagsabi, at makapsagsaysay
Alangan ang piso sa akin ay ibigay.
TO SISTER-IN-LAW
Mula ng sumikat, tala sa umaga
Dudulugin ko na’y bayaw kong dalaga
Kung makapagsabi, at makapagbadya
Alangan ang pisong sa aki’y igala.
TO MAN OR WOMAN SPONSOR OF THE WEDDING
Dudulugin ko na, ina (ama) sa kasal ko
At itatanong ko, kung ako ay gusto
Kung sakaosakali’t kami ay magtalo
Bahala na kayong maghusay ng gulo.
[p. 42]
IF THE WOMAN IS ASKED TO DANCE
Ako’y sasayaw na’y ng iisang paa.
Dadalwahin ko pa’y kung kayo’y gagala
Aanhin ang galang, panungkit ng bunga
Di gaya ng pisong pambila ng saya.
ANG ALE KONG NENENG
Ang ale kong Neneng naligo sa ilog
Isang kaskong bato ang dalang panghilog
Nagkabiyak-biyak, nagkadurog-durog
Hindi pa naalis ang libag sa likod.
AWIT NG 1800 - APAT NA PULUBI
Doon po sa amin, bayan ng San Roque
May nagkatuwaang apat na pulubi
Nagsayaw ang pilay, umawit ang pipi
Nanood ang bulag, nakinig ang bingi
Doon po sa aming maralitang bayan
Nagpatay ng hayop niknik ang pangalan
Ang taba po nito’y ipinatunaw
Lumabas na langis, siyam na tapayan.
Doon po sa aming maliit na nayon,
May nakita akong nagsaing ng apoy
Palayok ay papel, gayon din ang tungtong
Tubig na malamig, ang iginagatong.
MAHAL NA GINOO
Mahal na Ginoo, nagpupupumilit ka,
Ako’y turuan mo ng sumar de kuenta,
Bituin sa langit kong ilang helera,
Ang tubig sa dagat ilagay sa tasa.
Mahal na ginoo, napipilit ka rin,
Dahon ng aroma ay iyong hitsuhin
Kapag nahitsu mo’y dalhin mo sa akin
Ang hain mong sinta, pilit tatangapin.
Mahal ng ginoo, huwag kang magpilit
Umakyat sa kaho’y na lubhang me tinik
Baro’t salawa’t mo’y magkakapunit-punit,
Kung ganang sa aki’y wala kang masasapit.
NENENG AT NONOY
Neneng, Neneng, saan ka nanggaling?
Ay Nonoy, doon sa almasen
Aba Nonoy, doon sa almasen.
Neneng, Neneng, anong binili mo?
Ay Nonoy, sayang perkalino, aba Nonoy
Sayang perkalino.
[p. 43]
Neneng, Neneng, magkanong bili mo?
Ay Nonoy, peseta de kuwatro
Aba Nonoy, peseta de kuwatro.
Neneng, Neneng, anong tabas nito?
Aba Nonoy, tabas din ng uso
Aba Nonoy, tabas din ng uso.
Neneng, Neneng, ano ang baro mo?
Ay Nonoy, barong de ringiado,
Aba Nonoy, barong de ringiado.
Neneng, Neneng, ano ang panyo mo?
Ay Nonoy, panyong de kumpuesto,
Aba Nonoy, panyong de kumpuesto.
Nonoy, Nonoy, nakabuwis ka na ba?
Ay Neneng, ako’y naghahanap pa
Aba Neneng, ako’y naghahanap pa.
Nonoy, Nonoy, magkano ang buwis mo,
Ay Neneng, tatlo sa ikawalo, aba Neneng
Tatlo sa ikawalo.
Nonoy, Nonoy, sinong kabesa mo?
Ay Neneng, si Kabesang Isko,
Aba Neneng, si Kabesang Isko.
Neneng, Neneng, ako’y yayao na,
Ay Nonoy, ako’y sasama, aba Nonoy,
Ako ay sasama,
ABARURAY-ABARINDING
Abaruray, abarinding
Isauli mo ang singsing
Paghindi mo isa sauli
Magagalit ang may-ari
Abarinding-abaruray
Isauli mo ang suklay
Paghindi mo ibibigay
Buhok niya’y malulugay.
PANAMBITAN
Sa tapat ng iyong magandang tahanan
Naririto akong laging, laging naghihintay
Buksan mo ang bintana at iyong hulugan
Ng isang awa mong sa aki’y pang buhay.
Kung baga sa gabi’y, ikaw ang liwanag
Kislap ng bituin, sa aba kong palad
Lunas na mabisa, sa hapdi ng sugat
Nena, ikaw Nena ng aking pangarap.
Nena, Nena, ng aking pangarap.
[p. 44]
O ILAW!
O Ilaw, sa gabing tahimik
Wangis mo’y, bituin sa langit.
O Tanglaw; sa gabing malamig
Larawan mo Neneng, nagbigay pasakit, Ay!
Tindig at magbangon
Sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog, na lubhang mahimbing
Buksi ang bintana, at ako’y dungawin
Ng mapagtanto mo, ang tunay kong pagdaing.
MADALING ARAW
Irog ko’y dinggin, ang tibok ng puso
Sana’y damdamin hirap ng sumuyo
Manong itunghay, ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw
Sa buhay kong papanaw.
Sa gitna ng kadimlan
Magmadaling araw ka
At ako ay lawitan
Ng habag at pagsinta
Kung akoy mamamatay
Kay lungkot n’yaring buhay
Lumapit ka lang, lumapit ka lang
At mabubuhay.
At kung magkagayon sinta
Mapalad na ang buhay ko
Nababalot ako ng tuwa
Ng dahil sa iyo
Madaling araw na sinta
Ligaya ko’t tanglaw
Halina irog ko at mahalin mo ako
Lumapit ka liyag,
Ilaw ko’t pangarap
At Madaling Araw Na -
BANAHAW
Ang huni ng ibon, aliwiw ng batis sa bundok Banahaw
Ay inihahatid, ay inihahatid
Ng hanging amihan
Kaya’t yaring abang pusong,
Sakbibi ng madlang lumbay
Sa sandaling ito, sa sandaling ito’y
Naliligayahan.
Halina, sinta ko
At tayo’y magsayaw
Ako ay tatalpak,
[p. 45]
Dini naman sa lumang kudyapi
Ikaw mutya’y aking aawitan
Sa saliw ng hanging palaypalay
Ng Bundok Banahaw.
OLD GAMES AND AMUSEMENTS:
Some of the old folks in our community spend their leisure hours in playing cards like the following:
- Pakito
- Monte
- Briscus
- Tres-siete
- Burro
Some of their out-door games were arnis (playing with swords or long bolos), wrestling and judo, and sipa (using rattan balls). These games are no longer played at present.
The outdoor games played by the young boys and girls were huyo, tibig, pungit, luksong-tinik, and lawin-lawin. At home they played sintak, siklot ang sungka.
During fiesta, the young men held "juego de anillo." On some special gatherings, young men and women played "juego de prenda".
Other forms of amusement during the past were "Zarzuela" and comedia (moro-moro play). These were staged specially during the fiesta.
30. Puzzles and riddles:
|
1. Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis. |
8. Maitim na parang tinta Pumuputi’y hindi kinukuha. |
|
2. Oo nga't sili Nasa loob ang aligi. |
9. Lumalakad ay walang humihila, Tumatakbo’y walang paa. |
|
3. Oo nga’t alimango Nasa loob ang bunot. |
10. Siya ko nang tinuturan Siyang hindi mo pa mahulaan. |
|
4. Oo nga’t niyog, Nasa loob ang bunot. |
11. Hindi hayop, hindi tao Walang gulong ay tumatakbo. |
|
5. Oo nga’t mangga, Nasa loob ang tumbong. |
12. Bato na ang tawag ko, Bato pa rin ang tawag mo. |
|
6. Oo nga’t pagong Nasa loob ang tumbong. |
13. Eto na si amain Nagbibili ng hangin. |
|
7. Oo nga’t pinya Nahuhubo ang saya. |
14. Uka na ang tiyan Pagkalakas pa ng hiyaw. |
[p. 46]
- Tag-ulan at tag-araw dala-dala ang hingkaw.
- Humangin at umulan dala-dala ang balutan.
- Isang pinggan-pinganan libot na libot ng giikin.
- May binti’y walang hita, may tuktuk, walang mukha.
- Hinigit ko ang yantok naginikot ang bundok.
- Malalim kong bawasan mababaw kong dagdagan.
- Dalawa kong kahon, buksan ma’y walang ugong.
- Nanganak ang aswang sa tuktok ng daan.
- Araw at gabi ay pinarurusuhan hindi marunong masaktan.
- Hinipan ko si kaibigan nakabuhay ng patay.
- Kung kailan tahimik, saka nambubuwisit.
- Walang pintong pinasukan, nakapasok sa kalooban.
- Nakaluluto’y walang init, umaasa kahit malamig.
- May ulo’y walang tiyan, may leeg ay walang beywang.
- Hindi tao, hindi ibon, bumabalik kong itapon.
- Nagbibigay na’y sinasakal pa.
- Pag lagapak, tingnan mo agad.
- Dibina dibina grasiya, malayo ang bulaklak sa bunga.
- Nakikilala kong may piring, di makakita kong alisin.
- Hindi hayop, hindi tao, kuhang-kuha ang kilos mo.
- Dalwang katawan, tagusan ang mga tadyang.
- May ulo’y walang mukha, may katawan’y walang sikmura.
- May katawan walang bituka, may puwit ay walang paa. Kinakagat tuwi na.
- Kung hindi ang taga bundok, ang taga kati ay nahuhog.
- Dinadala ko siya, dinadala ako niya.
- Kay kakuba, kayga pandak kay layo kong sumibat.
- Hindi hayop hindi, tao, ang balat ay di paño.
- Kalamay ng hari hindi mahat-hati.
[p. 47]
- Ito ito na hindi ko nakikita.
- Ito na, ito na, napuputot ay walang dala.
- Kandado doon, kandado dito, kandado hanggang ulo.
- Sunod-sunod na sisidlan may takip walang laman.
- Nang hawak ay patay, nang ihagis ay nabuhay.
- Baga man at nakatatakip ay naisisilip.
- Handa ka pandak dadaganan ka ng mabigat.
- Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako.
- Bahay ni giring-giring batas-butas ang dingding.
- Tatlong magkakapatid sing puputi ng dibdib.
- Isang bayabas pito ang butas.
- May isang prinsisang nakaupo sa tasa.
- Buhok ni Adan hindi mahilang.
- Pag araw ay bungbungan paggabi’y karagatan.
- Nagsaing si Kalakatung nakuloy walang gatong.
- Ibabaw ay araruhan ilalim ay batuhan.
- Manok kong puti nagtalon sa pusali.
- Hinigit ko ang bagin nakakara ang matsin.
- Bugtong kalibugtong bunga ay gulong ang laman ay dulong.
- Bugtong-kalibugtong, nasanga walang dahon.
- Bahay ni Santa Ana palibot ay kampanilya.
- Dahong pinagbuñgahan buñgang pinagdahunan.
- Tubig sa itikan di maulanan, di mainitan.
- Dalwang balon di ko malingon.
- Sarap kanin, hirap kunin.
- Naligo si Jako di nabasa ang ulo.
- Takot ako sa isa, matapang ako sa dalwa.
- Pitak-pitak, silidsilid pinto ma’y di masilip.
- Isa ang natipo apat ang tumubo.
[p. 48]
- Halamanan ko sa Lagma, mula puno hangang dulo’y hitik ng bunga.
- Nagtanim ako ng dayap walang puno’t walang ugat, humihitik ang bulaklak.
- Inihulog ko sa dagat sa bundok ko hinapap.
- Iniipit sinasakal, nilalagari pa ang tiyan.
- Kung tabunan ay malalim mababaw kong hukayin.
- Kabayo kong payat pinalo ko ng patpat pitong bundok ang nalumpat.
- Pagbuhay ay di luto pagpatay ay di damasko.
- Buñga na’y binungahan pa.
- Ako’y nagtanim ng granada sa gitna ng laguerta pito nag puno pito ang buñga pitong pare ang nañguaha.
- Bumili ako ng alipin mataas pa sa akin.
- Puno’y bayong, sañgay lagari, daho’y payong.
- Alin dito sa boong nayon, ang ibon na ang pakpak ay di natitikom.
- Puno’y kahoy, gitna’y niloan dulo’y niyogan.
- Tinago ko sa gubat sa bahay napalakat.
- Di hari, di pare, damit ay sari-sari.
- Tubig na inugatan ugat na binukalan.
- Dalwang pupuyan naghahabulan.
- Dalwang bituing itim, malayo ang nararating.
- Naritona si kuya may sunong na baga.
- May binti’y walang hita’y may tuktuk walang mukha.
- Masusing samlang, sa sulok ang tahan.
- Manok ko sa Maynila naparito’t nanuka.
- Nañganak ang birhen itinapon ang lampin.
- Iisa-isa kinuha ko pa ang isa natiba pa ay dalwa.
- Manok ko sa tagbakan namumula ang tapang.
[p. 49]
- Manok ko sa tagbakan namumula ang tapang.
- Baboy ko sa pulo balahibo’y pako.
- Singko balat, singko laman, singko rin kong matalipan.
- Manok kong puti, nagtalon sa pulasi.
- Bahay ni giring-giring butas-butas ang dingding.
- Bahay ni San Gabriel lipos na lipos ng baril.
- Ilalim ay kawayanan ibabaw ay kugonan.
- Ilalim ay batuhan, ibabaw ay baginan.
- Baka ko sa Maynila dinig dito ang uñga.
- Buhok ni Adan hindi mabilang.
- Naito na si kaka punong-puno ng lisa.
- Naito si kaka, may sunong na dampa.
- Nagbabag si Bilog at si Lapad, natalo si Bilog, kayat pati uhog.
- Kalamay ng hari hindi mahati.
- Balugbog ng Ama mo, pinagaarawan mo.
PROVERBS AND SAYINGS:
COURAGE:
- Ang liksi at tapang ay kalasay ng buhay.
- Walang palayok na di ma’y kasukat na tungtung.
- Lahat ay ma’y kasukat.
- Walang matalim na hasa pag sa bato tumama.
- Ang bayaning nasugatan nagiibayo ang tapang.
- Kung sinong bantay siyang salakay.
- Ang lihim na katapangan siyang pakikinabangan.
- Kapag ang tao’y maliksi ay di hamak na magagapi.
[p. 50]
DESTINY:
- Ang nagsasalita ng tapos siyang kinakapos.
- Magpakahaba-haba man ang prusisyon sa simbahan din ang urong.
- Biyaherong walang tigil sa dagat din ang libing.
- Kung anong kapangyarihan siyang kahihinatnan.
- Kung anong pagkabataan, siyang pagkakatandaan.
FEAR:
- Walang mataas na bakod sa taong natatakot.
- Gumalaw na sa isang taong lasing, huwag lamang sa isang bagong gising.
- Kung takot ka sa ahas huwag kang papasok sa gubat.
FRIENDSHIP & MARRIAGE:
- Ang tapat na kaibigan sa gipit nasusubukan.
- Kung sino ang minamahal siyang pinahihirapan.
- Bago ka makipagibigan Isipin munang mataman. At kung minsan ang kaliwang kamay Tinataya rin ng kanan.
- Ang pagaasawa'y di gawang biro hindi kaning nailuluwa kung napapaso.
- Bahaw man daw at magaling daig ang bagong saing.
GOSSIP:
- Ang maniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili.
- Biro-biro kong sanlan totoo kung tamaan.
COOPERATION:
- Ang lakas ay nasa pagkakaisa.
- Ano man ang lakas ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa.
- Matibay ang walis kapag nabibigkis.
- Ang mabigat ay gumagaan pag napagtutuangan.
EFFICIENCY:
- Mabilis man ang paghakbang na maaring naiiwan
[p. 51]
- Ano mang gawang madalian walang kainaman.
- Lakas na padalas-dalas sapilitang madudulas.
- Maliit man daw ang sili, daig ang larang malaki.
ENVY:
- Ang mga mainggitin Karaniwa'y siyang iring.
- Ang taong mapanaghili Sa ari at kayamanan Ay hindi lulualhati Sa hirap at sakit lalagi.
EQUALITY:
- Mahirap at mayaman, ang uwi ay sa libingan.
HOPE:
- Pag may tag-araw ay may tag-ulan.
- Pagkapawi ng ulap,lumilitaw ang liwanag.
- Huwag kang kakasiguro, Kuaresma ma’y bumabagyo.
LUCK:
- Ang kapalaran ko’y di man hanapin, dudulog, lalapit, kung talagang akin.
- Pag di ukol, di bubukol.
- Pag talagang palad, sasampa sa balikat.
LOVE:
- Mayaman ma’t puso’y salawahan ay di paris ng mayumi at marunong magmahal.
- Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
- Ang pagmamahal ay nasa gawa, hindi sa salita.
LIFE:
- Ang buhay ay parang gulong, magugulonga’t makakagulong.
- Buhay alamang, pag lukso’y patay.
[p. 52]
MANNERS:
- Ang kahoy habang malambo't madali ang paghutok paganyos kung tumigas na at tumayog mahirap na ang paghutok.
- Ang tapayang maugong ay walang laman.
- Ang taong matipid mangusap man ay hindi nakasusugat.
- Ang tao, kung magwiwika Dapat ibagay sa gawa salanggapang na dila ng di makapamula.
- Ang tao, bago mangusap masdan ang likod at harapan at baka karingat-dingat siyang masama sa lahat.
- Mahanga'y iwa ng bakal ang sa aki'y makamatay huwag ang wikang mahalay buhay, puri ang karamay.
- Ang taong may magandang asal, minamahal ng kasamahan.
- Nagmamakipot ay maluag nagpipino'y magaspang.
- Kung ano ang bukang bibig siyang laman ng dibdib.
- Kung kabanalan ang gawang magdasal ang mabuting gawa'y Lalaong kabanalan.
- Pagtulog ang ahas lalong makamandag.
- Paglampas na ang sugat dapat na putulin pagapaw ng salop ay dapat kalusin.
- Madali ang maging tao mahirap ang magpakatao.
- Mayaman ka man at marikit mabuti sa pananamit kung walang sariling bait walang halagang gahanip.
- Anak na di paluhain ina ang patatangisin.
- Makikilala mo ang taong maybait sa kilos ng kamay at buka ng bibig.
- Ang bahay mo man ay bato kung ang nakatira ay kuwago mabuti pa ang isang kubong ang nakatira'y tao.
- Ang sugat sa kalingkingan dinaramdam ng buong katawan.
- Ang marahang pangungusap sa puso'y nakalulunas.
- Ang marahang pangungusap sa puso'y nakalulunas.
[p. 53]
- Di masakit ang yumuko, di paris ng mauntog.
POVERTY:
- Ang kamalian ng mahirap ay napupuna ng lahat.
- Ang kamalian ng mayaman pinaparang walang anuman.
- Ang tao na walang pilak parang ibong walang pakpak.
- Ang taong mahirap na laging tahimik daig ang mayamang, lagi sa panaginip.
- Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila.
PATIENCE AND ENDURANCE:
- Ang pagpapakumbaba ay haligi ng kabanalan.
- Ang nagtitiis ng hirap, may ginhawang hinahangad.
- Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila.
- Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
- Sa unti-unting patak ng ulan, ang bato’y naaagnas.
- Ang taong may tiyaga, lahat ay magagawa.
- Pag may hirap ay may ginhawa.
PRIDE:
- Kung gaano kataas ang lipad ay siyang lakas ng lagpak.
- Ang palalong walang tuto, api saan man tumungo.
- Ang kawayan, habang bagong tumutubo, langit na matayog kapag ang itinuturo, nguni’t kung masunod na ang anyo, sa lupa rin ang yuko.
- Tinda mo, bili mo.
- Walang masamang kanya, walang mabuting sa iba.
- Nakikita ang butas ng karayom ay di nakikita ang butas ng palakol.
- Sa langit lumura, sa mukha tumama.
- Walang kagandahan na walang kapantasan.
- Nagbubuhat ng sariling bangko.
OBEDIENCE:
- Sa masunurin sa magulang lumalapit ang kayamanan.
[p. 54]
PATRIOTISM:
- Ang di magmahal sa sariling wika, katulad ng hayop at malansang isda.
- Ikinatatalo sa digmaan ay guni-guning takot sa laban.
PEACE:
- Kung walang katahimikan, walang paglusog ang bayan.
PROMISES:
- Ang pangako, kung maliban tupdin, ay wala nang linamnam.
- Pag ang sakit ay malaki, ang pangako ay marami. Kung gumaling na at umigi, Diyos man ay di masabi.
PURITY:
- Ang puri ng tao, kung pahahalagahan ay gaya ng tubig na nasa tapayan. Kaunting langis na ito’y mapatakan, di na iinumin at pangdidirihan.
REPENTANCE:
- Nang magsalukot, basa na ang tuktok.
- Walang unang sisi sa unang mangyayari.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
- Walang utang na di pinagbabayaran.
RESPECT:
- Ano mang gagawin ng bata, ikuha ng tanong sa matanda.
SECRECY:
- May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
- Ang bibig na tikom, ligtas sa linggatong.
- Malakas ang bulong kaysa sa hiyaw.
TRUTH:
- Ang taong mapagtapat, kasama ng mabuting palad.
- Ang magdaraya, di magdadalang awa.
- Ang taong mapagbulaan, ay hinlog ng magnanakaw.
[p. 55]
THRIFT & ECONOMY:
- Pag may isinuksok ay may madudukot.
- Ang hanap sa hamog, sa tubig naaanod.
- Ang panahon ay samantalahin sapagka’t ginto ang kahambing.
- Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.
- Kung anong itinanim, siyang aanihin.
- Mayroon ka man, iba rin ang arimohanin.
- Mag-ipon hanggang bata pa nang huwag magpalimos kung tumanda na.
- Pagwala kang itinanim, wala kang aanihin.
- Pagkaraan ng kasaganaan susunod ang kasalatan.
WORK AND INDUSTRY:
- Ikaw na nagpapasya na gawin mong lahat ang makakaya, sa ikabubuti ng iyong sarili ay hindi maga-aksaya ng panahon sa atas ng iyong katamaran.
- Ang kasipagan ay dala hanggang kamatayan.
- Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan.
- Mata sa panahon ay isilay nang di ka mapag-iwanan.
- Ang kasipagan ay kapatid ng kariwasaan.
- Ang hanap sa malayo, habang daa’y nabububo.
- Sino mang matulin sa pagpapasiya, dapat mag-ingat sa magiging bunga, gawaing tapos sa isang kisap mata, kundi man dumupok, kalimita’y sala.
- May awa ang Diyos sa taong nangangapos.
- Ang hanap sa madalian, walang pinagkakasangkapanan.
- Utos pa sa pusa’y utos pa sa daga.
- Daig ang isang maagap ng isang masipag.
- Pag maaga ang lusong, maaga rin ang ahon.
- Ang taong tamad, ay lalakad na hubad.
- Kung sinong masalita, siyang kulang sa gawa.
- Ang hanap sa bula, sa bula rin nawawala,
[56]
- Bago mo gawin, makapito mong iisipin.
32. Methods of measuring times, special calendars.
During the early days when clocks and watches were very rare, our old folks calculated the time of the day through the position of the sun and their shadows.
When the sun rises, it is six o’clock in the morning and when the sun sets, it is six o’clock in the afternoon.
When the sun is directly overhead, it’s twelve at noon. Sometimes, they went out in the open field to see their shadows, it’s 12:00 at noon.
Some foretold the time through cock crows. There were cockcs which crow at night and they believed it to be 10:00 P.M., The first time the cocks crow in the morning they thought it to be 3:00 A.M. and the second crowing 5:00 A.M.
[p. 57]
33. Other folktales.
(Materials on these topics may preferably be written in the local language and should be accomplished with English translation, either literary or free, whichever is more effective in conveying the idea embodied therein.)
ANG GUSING MAY GINTO
Noong panahon ng Kastila, ay may naninirahang mag-asawang mayaman sa distrito ng Angeles dito sa bayan ng Tayabas. Ang mag-asawang ito ay kapuwa mabait at maawain lalo na sa mga mahihirap at kulang palad. Sa mga kilusang bayan ay di rin sila nahuhuli. Dahil dito’y sila’y kinalulugdan at iginagalang ng mga kababayan nila mula sa pinakamahirap hanggang sa pinakamaharlika sa bayan.
Ang mag-asawang ito ay di nagkapalad magkaroon ng anak kaya’t tumutulong na lamang silang magpa-aral sa mga batang matatalino.
Isang araw ay napagkasunduan ng mag-asawa na tumungo sa isang paglalakbay. Bago sila umalis ay tinungo nila ang isa nilang kapitbahay upang maghabilin ng isang tapayang may lamang mga isdang tinuyo.
Nang may ilan nang araw na nakaaalis ang mag-asawa, ay naisipan ng kapitbhay na pinaghabilinan na tingnan kung ano nga ang laman ng tapayan. Nagkataon naman noon na sila ay kinulang ng pang-ulam, kaya’t nang makitang mga isdang tuyo nga ang laman ng tapayan, ay naglakas loob na silang kumuha ng ilan. Kanilang isinaloob na ang ganito ay pangungutang lamang nila. Anupa’t ang pag-utang nilang ito ay nagsunod-sunod na. Sa pagkuha nila ng mga isdang ito ay napag-alaman nila na sa ila-ilalim ay pawang malalaking isda, ang nakahanay. Kaya’t nang umutang uli ay ipinasiya ng babae na halu-halukayin pa ang hanay ng mga tuyong isda upang makapamili ng malaki-laki. Nguni’t sa kahahalo niya ay may nasalat siyang tila mga bilog na matitigas. Nang kanyang itaas ay nakita niyang mga salaping ginto na nagkikinanangan. Tinawag ng babae ang asawa niya at sinabi ang nakita niya. Gayon na lamang ang pagtataka nila sa nasaksihan.
Ang pagkakatuklas nilang ito ay di na nila ipinagmaka-ingay. Agad na tumungo ang babae sa palengke at bumili ng mga nasa palengkeng isdang tuyo na kasing-uri ng mga nasa loob ng tapayan, Kinagabihan, samantalang natutulog ang mga bata nila, ay hinango ng mag-asawa. Hinalinhan nila ito ng mga isda na binili nila, anupa’t parang walang ano mang ipinagbago ang ayos ng mga isda sa gusi.
Pagkatapos nang mahigit na isang linggong paglalakabay sa Maynila ay nagbalik ang mag-asawang mayaman na may dalang sari-saring pasalubog sa mga kaibigan nila.
Nang sila ay makapahinga na ay tinungo nila ang kapitbahay na pinaghabilinan ng tapayan.
[p. 58]
Sa unan pa lamang nilang pagkatingin sa pinaghabilinan ay nagkaroon agad sila ng masamang hinala kaya’t agad ipinabuhat ang gusi upang dalhin sa kanilang bahay. Nang buksan nila, ay nakitang wala ang mga salaping ginto at sa halip nito ay pulos isdang tuyo ang naroroon,.
Noon din ay tinungo nila ang juez ng bayan at isinakdal ang nangyaring iyon. Ipinatawag ng juez ang mag-asawang nasasakdal at pinasimulang litisin. Sapagka’t walang maiharap na katibayan ang nagsakdal kung kaya’t pinagpaliban ng hukom ang paglilitis. Dalawang araw na nag-aral at nag-isip nag hukom tungkol sa usaping ito.
Pagkalipas ng dalawang araw ay ipinatawag na muli ng hukom ang mga nasasakdal. Inatasan silang mag-usong sa isang maliit na aparador na dadalhin sa isang dako na di nila alam. Pinasimulang nga nilang buhatin ang aparador sa matamang pagbabantay ng apat na guwardiya civil. Sa pasimula ay magaang dalhin ang aparador nguni’t habang tumatagal ay bumibigat nang bumibigat ang dala nila. Hindi namamalayan na sila pala ay paikot-ikot lamang. Unang nakaramdam ng pagod ang babae kaya’t gayon na lamang ang pagkahabag ng lalake. Subali’t ayaw pumayag ang guardia civil na ang lalaki na lamang ang magbubuhat noon.
Ano pa’t sa labis na paghihirap ng babae ay bumulong sa asawa, “Mabuti pa ay magsabi na tayo ng totoo na tayo nga ang kumuha ng ginto. Sa palagay ko’y hindi tayo papapahingahin ng mga ito. Kung magtatagal pa’y mamamatay ako.”
Nang una ay ayaw pumayag ang lalaki. Nagtalo sila ng nagtalo. Sinisisi ng babae ang lalaki sa ganitong paghihirap nila.
Nang kasalukuyang nagtatalo ang dalawa ay biglang may narinig na tinig na parang nagbuhat sa loob ng aparador. “Huminto kayo at alam ko na ang lahat;”
Nang buksan ang aparador ay nakita ang maginoong juez na may dalang lapis at papel at isinusulat ang lahat na napag-usapan ng mag-asawa. Sa laki ng habag ng hukom sa babae ay kaagad pinagpahinga at nagpakuha ng pagkaing masarap. Sa pangakong isasauli ang ginto, ay pinalaya ng hukom ang dalawa. Ibinalik nga nilang walang kulang ang mga ginto.
Sa tuwa ng mag-asawang mayaman ay bingiyan pa nila ng ganting-pala ang mag-asawang kumuha ng ginto.
THE JAR OF GOLD
A long time ago during the Spanish regime, there lived in the district of Angeles, in the town of Tayabas, a rich couple. This couple was so kind to everyone, especially to the needy. Because of their kindness and other fine qualities, they were loved and
[p. 59]
by the people of this town from the humblest group to the most aristocratic ones.
Since this couple did not have any child of their own, they just helped deserving children of poor families to acquire higher education in Manila. Because of this, the couple went to the city from time to time.
One night the couple went to the house of a poor neighbor and requested them to take care of a jar of dried fish while they were away for a week’s sojourn in the city. Before leaving, the couple went again to their neighbor’s house for final checking of their jar of fish. They did this in the presence of the poor neighbors. “This jar contains delicious dried fish only,” they said.
One night while the poor family were eating their supper, one of the children cried and complained of the lack of viands. This troubled the couple very much. While thinking of a way by which they could satisfy their child’s whims, an idea struck their minds. It was the jar of dried fish in one of the corners of their home. The wife then proposed to borrow just two or three fishes which could be easily replaced the following morning by buying the same kind of fish in the market. This borrowing, however, was repeated three times during the subsequent meals. At the fourth borrowing, the wife tried to select the bigger fishes. While reaching for the bigger fishes under, her fingers suddenly struck something hard and round. Amazed, she called her husband and they examined the jar. There were plenty of gold coins inside under the pile of dried fishes.
The couple held this discovery a secret. The wife then suggested to her husband a selfish idea. “Let us buy dried fish of this kind at the market and place them inside the jar instead of the gold pieces. So for a short time, they were able to replace the gold with dried fishes.
After two weeks, the rich couple returned from the city with gifts for almost everybody. The first thing they did was to go to the poor neighbor to whom they entrusted the jar. Upon opening the jar they saw traces of fear on the faces of their poor neighbors. Suspecting something, they ordered the transfer of the jar to their home.
Removing the piles of dried fish from the jar, they discovered that all the gold pieces were gone. So they rushed to their neighbor’s home and accused them of stealing their gold. The poor couple, however denied everything, insisting that the rich couple only left nothing but a jar of dried fish. They even called the rich couple trouble makers and cursed them as traitors. The rich couple found it difficult to argue so they went to the town judge, “Juez Mayor” and brought the case to him.
During the first hearing, the judge found no concrete evidences against the poor couple so he dismissed them. For two days he thought of the best way to solve the case.
After two days, the “Juez Mayor” ordered the “Guradia Cicvil” to arrest the poor couple. Then they were made to go out in the darkness to carry a big “Aparador” together. They were told to be very careful because the contents were glasses. Then they carried the wardrobe along the streets under the close watch of the “guardia Civil”. Inasmuch as the poor couple could talk to each other without
[p. 60]
being heard by the guards, the wife finally broke the silence. “Dear husband, I am now very tired. If this will go further, I’m afraid I might die. I cannot move my feet.”
“I am also tired,” replied the husband, “but we must go on. If it were not for you who proposed to steal those gold pieces then we would not be sacrificing like this.”
“Let is rest for a while,” proposed the wife, I want to think of what we can do. If we go on carrying this heavy thing I will surely die, and what is the value of money and gold if we are dead? Our children may only squander them, and besides they were only stolen and not honestly earned.
The husband replied, “Yes, money stolen or gotten in a bad way will surely go down stream and nobody would profit from it. So if you would agree with me, let us call the guard right now and tell the truth.”
At this point, the judge who was inside the “aparador,” shouted to the guards to open the “aparador” so that proper actions could be imposed upon the confessing couple.
The following day, the couple were released after being made to return the gold pieces to the real owners. The rich couple, instead of becoming angry at the poor neighbors gave them some gold pieces so they could start a better life.
KUNG PAANONG SI HUWANG TAMAD AY YUMAMAN
Noong panahon ng Kastila ay may naninirahang isang maralitang mag-asawa dito sa bayan ng Tayabas sa “Calle Mayor,” daang patungong Lukban. Sila ay nangangalang Huwan Santos at Maris Cruz. Ang hanapbuhay ni Juan ay magkarga ng mga lata ng langis buhat dito sa Tayabas patungong Sta. Cruz, Laguna. Sa ganitong paraan napalaki ni Huwan ang kanyang mga anak. Sila ay katulong ni Huwan sa pagdadala ng langis. Sapagka’t noon ay wala pang mga sasakyang katulad ngayon kung kaya’t ang ginagamit nila ay tatlo o limang kabayo sa pagdadala ng langis. Sa bawa’t dalawang latang karga, ay tumatanggap sila ng tatlumpong peseta, o anim na piso sa ngayon.
Ang hanap-buhay ni Huwan ay mahirap at puno ng mga pakikipagsapalaran sapagka’t sa kanilang dinadaanan ay maraming mga manghaharang at magnanakaw, kaya’t upang maipagpatuloy ang kanilang hanap-buhay ay napipilitan silang gumawa ng iba-ibang paraan upang ang mga ito’y maging kaibigan nila. Nagbigay nga sila ng suhol sa mga ito na kung minsan ay halos ikatlong bahagi ng kinita nila. Mabigat man sa loob ay ginawa nila ito sa takot na mapatay.
Kung minsan si Huwan ay inaabot na rin ng panglaw sa mga kapahamakang nakaumang sa kanilang hanap-buhay, nguni’t palibhasa’y maralita sila kung kaya’t naipagpatuloy nila ito. Hindi iilang beses balakin ni Huwan na matamaran na lamang at ipaubaya sa dalawang anak ang gawaing ito. Araw-araw halos siya ay naglalasing, nguni’t ang ganito ay di nagtagal sapagka’t si Huwan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kanyang matapang na maybahay. Kapag nga si Huwan ay umuwing lasing, ang maybahay niya ay nagbubulyaw na,
Part I | Part II | Part III | Part IV
