LAGUNA, PROVINCE OF, Historical Data Part II - Philippine Historical Data LAGUNA, PROVINCE OF, Historical Data Part II - Philippine Historical Data

LAGUNA, PROVINCE OF, Historical Data Part II

Province of Laguna

PART II

PART I | PART II

About these Historical Data

[p. 11]

Ang susunod na talaan ay batay sa bagong sagawang pag-uuri-uri ng mga bayan sa Laguna na isinagawa ng Kagawaran ng Pananalapi noong Enero 7, 1963 bilang pag-alinsunod sa probisyon ng Sck. 2171 ng Binagong Kodigo Administratibo na iwinasto ng unang seksiyon ng Batas ng Republika Blg. 23686.
MUNICIPALITY AVERAGE ANNUAL INCOME CLASSIFICATION POPULATION AS PER 1960 CENSUS
1. Alaminos
2. Bay
3. Biñan
4. Cabuyao
5. Calamba
6. Calauan
7. Cavinti
8. Famy
9. Kalayaan
10. Lilio
11. Los Baños
12. Luisiana
13. Lumban
14. Mabitac
15. Magdalena
16. Majayjay
17. Nagcarlan
18. Paete
19. Pagsanjan
20. Pakil
21. Pangil
22. Pila
23. Rizal
24. San Pedro
₱67,556.31
19,711.97
167,353.92
52,988.62
324,710.01
36,240.88
47,026.89
6,634.44
19,880.93
28,861.56
76,620.55
32,254.50
90,906.47
9,888.61
33,026.70
65,859.50
85,618.96
69,372.59
109.880.50
16,177.68
862.62
20,649.93
11,913.75
30,064.09
Ika-apat
Ika-anim
Ika-tatlo
Ika-apat
Una
Ila-lima
Ika-lima
Ika-pito
Ika-anim
Ika-anim
Ika-apat
Ika-lima
Ika-apat
Ika-pito
Ika-lima
Ika-apat
Ika-apat
Ika-apat
Ika-tatlo
Ika-anim
Ika-anim
Ika-anim
Ika-pito
Ika-lima
13,860
11,407
33,448
20,419
57,878
13,160
8,354
4,168
5,019
11,066
21,472
8,734
9,694
4,321
5,500
9,839
18,272
74,43
10,712
4,765
5,336
11,496
5,395
14,087

--------------

6 Tinipon ng Tanggapan ng Gobernador, Santa Cruz, Laguna, Mayo 16, 1963.

[p. 12]

25. Santa Cruz
26. Santa Maria
27. Santa Rosa
28. Siniloan
29. Victoria
201,869.79
19,183.83
101,201.59
41,019.88
16,013.32
Ikalawa
Ika-anim
Ika-tatlo
Ika-lima
Ika-anim
32,880
8,370
26,587
9,122
8,949
KABUUAN ₱1,817,349.77 401,443
San Pablo 70,772

Kaalamang-Bayan ng Laguna

Ang bawa't bansa o lahi ay may sariling kaalamang bayan na mapaghahanguan ng magagandang kaisipang maaring maging gabay sa pagpapanatili ng kabutihang-asal sa mamamayan. Ang mga kaisipang ito'y siyang balangkas ng ating mga patakaran sa buhay at sa kabuuan ay siyang kabatasan ng dakilang-asal ng sangkalahiang Pilipino7.

Ang pilosopiya ng taong-bayan at ang pinakamatayog na simulain ng kabihasnan sa pag-unlad, sampu ng panloob at panlabas na sagisag ng kadakilaan ng lipi ay makikita sa mga nasusulat na mga kaalamang-bayan. Kung ang makasaysayang sagisag na ito ng bayan ay pawang natupok, at naparam bunga ng lakas ng kalikasan, tulad ng lindol, baha, at hangin, mahirap na nating mapanumbalik ang dating muog ng kabihasnang sandigan ng panitikan ng bansa. Kaya't upang mapanatiling buhay ang mga walang kamatayan at matandang uri ng poklor na ito na kabakasan ng ating sariling kulturang nagtataglay ng magagandang tuntunin sa buhay, tulad ng mabuting pakikipagkapwa, pakikisama, at paggamit ng tumpak na kaparaanan sa buhay, kailangang isagawa ang tuwirang pananaliksik at pagtatalang tulad sa pag-aaral na ito8. Sa mga kaalamang-

--------------

7 Fernando B. Monleon. "Mga Kawikaan, Salawikain, at Kasabihang Pilipino," Unang Aklat (Maynila: Batubalani Publishing House), p. iii.

8 Juan C. Laya, "Ang Salawikaing Bayan ni Cresencia M. Yamio," Diwang Kayumanggi, Ikalawang Aklat (Maynila: Inang Wika Publishing Co., 1965), p. 37

[p. 13]

bayan mapapanatiling buhay ang kultura, kaluluwa, diwa, at anyo ng isang bayan.
Napakahalagang tandaan ang ilang kaalamang-bayan ng taga-Laguna. Narito ang ilang butil sa karunungan ng Laguna

Ang Awiting-Bayan

1. Balsa ng Laguna
Laya ng himig sa paligid
Tulad ng alon at tubig sa batis,
Sa pag-indak sa tugtugin
Parang lumilipad tulad ng hangin
Iyong pakinggan ang himig
Tra - la - la, tra - la - la
Tra - la - la, tra - la - la
Ngayong maglaho ang tugtog
Ang himig tra-la-la, tra-la-la
Pumailanglang na at nawala
Tra - la - la
2. Sa Talong ng Pagsanjan
Handa na ang lunday
umupo ng husay
at titingnan natin
ang Talong Pagsanjan.
Matulin ang agos
kidlat ang kawangin
pagbagsak ng tubig
bomba ang tinig.
Ang awiting ito ay nagpapakilala ng mga kaisipan at damdamin ng bayang nagpapahayag ng mga katangian sa buhay. Ang mga ito ay madamdamin at nakalulugod. Tatlong bagay ang maipalalagay na katuturan ng mga kantahing-bayang Pilipino sa pag-aaral ng panitikan.

[p. 14]

(1) Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapakilalang ang diwang makata ay katutubo sa pag-aaral ng panitikan. (2) Ang mga kantahing-bayan ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng Pilipino at (3) ang mga kantahing-bayan natin ay bunga at bulaklak ng matulaing damdamin galing sa puso at kaluluwa9.

Ilang Bugtong ng Laguna

1. Nang maglihi'y namatay
nang manganak ay nabuhay.
sinigwelas
2. Walang pinasukan
nakapasok sa kaloob-looban
pag-iisip
3. Walang itak, walang kampit
gumawa ng mahal na ipit.
gagamba
4. Kung kailan tahimik
saka nambubuwisit.
lamok
5. Mga kaloobang pinaghalu-
halo na niluto sa init ng
pagkakasundo.
dinuguan
6. Kung kailan mo pinatay
saka naman humaba ang
buhay.
kandila
7. Nakaluluto'y walang init
nakakapaso kahit malamig.
yelo
8. Dulong naging puno
punong naging dulo.
tubo
9. Haba mong kinakain
lalo kang gugutumin.
purga
10. Aling dahon dito sa mundo
ang iginagalang ng lahat
ng tao?
watawat

Ang Bugtong

Ang mga bugtong natin ay maituturing na isa sa mga gintong bahagi ng ating kultura na hindi nakuhang wasakin, sunugin, at ibaon sa limot ng lapastangang mga banyagang lumupig sa ating pagkabansa, sapagka't ang ating mga bugtong, tulad ng salawikain at kasabihan, ay di natititik ng mga aklat. Ito'y nagpalipat-lipat lamang sa bibig ng mga tao, mga pariralang iniisip ng marunong, subali't sinasabi ng gunggong10.

--------------

9 Jose de Villa Panganiban at C. T. Panganiban, Panitikan ng Pilipinas (Quezon City: Bedes Publishing House, Inc., 1954), p. 40.

10Isang Libo at Isang Bugtong (Malabon, Rizal: Palimbangan ng Epifanio de los Santos College, 1958), p. 4.

[p. 15]

Ang bugtungan ay maaaring gampanan ng dalawa o higit pang bilang ng mga taong kalahok. Karaniwan itong isinasagawa sa mga lamayan sa patay, padasal, at iba pa. Ang isang panig ay nagbibigay ng bugtong, at ang ikalawang panig naman ay siyang sumasagot. Kung sakali't mahulaan ang tumpak na kasagutan, siya naman ang magbibigay ng bugtong at ang kabilang panig ang magbibigay ng sagot. Dito nagtatagisan ng talino ang mga kabataan.

Ang mga bugtong natin, tulad ng mga bugtong ng ibang mauunlad na bansa, ay may tatlong uri: (1) bugtong na malaswa sa pandinig nguni't may mainam na katuturan; (2) bugtong na mainam pakinggan nguni't may malaswang katuturan; at (3) bugtong na bukod sa mainam pakinggan ay mainam din ang katuturan11.

Sa Pilipinas ay maaaring magbugtungan sa anumang oras, sa araw man o gabi. Karaniwan itong isinasagawa ng mga kabataan, pagkatapos ng paglalaro o bago matulog. Sa kabukiran naman, kung may namatayan, isinasagawa ito sa oras ng lamayan upang huwag dalawin ng antok. Ginaganap din ito sa anumang pagtitipon, tulad ng handaan, inuman, binyagan, at kasalan. Kung panahon ng pagtatanim o pag-aani, ang bugtungan ay nakakapawi ng hirap sa gawain. Ito'y isinasagawa rin sa oras ng pagbabayo ng palay o kaya'y kung ang mga mangingisda ay nagsisipagsulsi ng kanilang mga lambat.

Isinasagawa rin ang bugtungan sa pamamagitan ng kuponan. Hinahati ang pangkat sa dalawang bahagi. Alinman sa dalawang bahaging ito ang magtamo ng mataas na puntos ay siyang itinatanghal na panalo. Isa nang tradisyon sa lalawigan ang bugtungan; karaniwan itong naglalarawan ng isang bagay sa di tuwirang pamamaraan. Isa itong pala-isipang nagsisilbing tagisan ng talino ng mga kabataan.

--------------

11 Ibid.

[p. 16]

Ilang Pamahiing Paniniwala sa Laguna

1. Masama sa magkapatid ang magpakasal nang sukob sa taon, dahil ang isa raw sa kanila ay pagdaraanan ng hirap.
2. Masama ang magwalis o magpalis kung gabi, sapagka't mawawala ang grasya.
3. Masama ang kumanta kung nagluluto, sapagka't magkaka-asawa siya ng balo.
4. Pagdating sa bahay ng ikakasal, ang lalaki ang dapat munang pumanhik upang hindi siya maging talun-talunan o under the saya.
5. Pag tumilaok daw ang manok sa hatinggabi ay mayroon daw magtatanan.
6. Kung ika'y magsasabong, kailangang lumakad ka ng tuluy-tuloy at nang manalo ang iyong manok.
7. Pag ang manok ay tumilaok sa hatinggabi at may tumugong tilaok din ay tiyak na mananalo ang iyong manok.
8. Pag namatay daw ang kandila ng ikinakasal, mamamatay daw ang mga ito.
9. Masamang isukat ang damit pangkasal sapagka't hindi matutuloy ang kasal.
10. Masamang manahi kung lumulubog ang araw at lalabo ang mata.
Ang Lalawigan ng Laguna ay tulad din ng ibang lalawigan sa pamahiin. Maraming pagkilos ang bibigyan ng kahulugan na nagbubunga ng hindi mabuti. May mga bagay na nakapagdudulot ng kasiyahan at mayroon din namang nagbibigay ng kapighatian at kalungkutan sa buhay.

MGA SALAWIKAIN, KASABIHAN, AT KAWIKAAN NG LAGUNA

1. Pag-agap

"Pag maaga ang lusong
Maaga rin ang ahon."

"Iba ang agap sa sipag"
Sapagka't –

"Daig ang maagap
ng isang masipag."

[p. 17]

Kaya -

"Magsisi na sa agap
Huwag lamang sa kupad."

2. Ang Panahon ay Ginto

"Ang panahon ay samantalahin
Sapagka't ginto ang kahambing."

At -

"Mata sa panaho'y isilay
Nang di ka mapag-iwan."

Sapagka't -

"Sa lakad ng panahon
Lahat ay sumusulong."

3. Huling Pagsisisi

"Magsisi ka man at huli
Wala nang mangyayari."

Dahil sa -

"Walang unang sisi
Sa unang nangyari."

Ang saad ng kawikaan sa
nagsisi ng huli

"Nang nagsalakot
Basa na ang tuktok."

4. Pagpapabaya

Sa mapagpabaya ay nagsasabing

"Lumalakad ang kalabasa
Naiiwan ang bunga."

Nguni't anang mapagpabaya

"Kung ano ang kapangyarihan
Siyang kahihinatnan."

"Pag di ukol, di bubukol
Pag talagang palad
Sasampa sa balikat."

Ang kapalaran ko'y di man hanapin
Dudulog, lalapit kung talagang akin.

5. Katamaran

Karamihan sa mapagpabaya
ay tamad anupa't parang manok

"Ngayon tutukain
Ngayon kakahigin."

[p. 18]

Kaya -

"Parang baboy na gagala-gala
Laman at mantika ay masama."

Sapagka't -

"Ang katamaran ay
kapatid ng kagutuman."

"Ang katamaran ay
ina ng kahirapan.

6. Ang Mahirap

"Ang kamalian ng mahirap
ay napupuna ng lahat."

Samantalang -

"Ang kamalian ng mayaman
Pinaparang walang anuman."

7. Kawalan ng Kaya

Ang mahirap ay walang kaya

kaya nga -

"Kasama sa gayak
di kasama sa lakad."

Anupa't -

"Ang tao na walang pilak
parang ibong walang pakpak.

Kaya aniya -

"Ang kahalintulad ko'y ang ibong inakay
walang balahibo't pakpak na ikakaway."

8. Pagtitiis

Ang tiyaga ay dapat akbayan ng
pagtitiis
kaya kasabihang -

"Hanggang maikli ang kumot
magtiis na mamaluktot."

At kung paanong sa panahon -

"Pag may tag-araw
ay may tag-ulan."

[p. 19]

At -

"Pagkapawi ng ulap
Lumilitaw ang liwanag."

Gayundin sa pamumuhay -

"Pag may hirap, may ginhawa."

Sapagka't anang kawikaan -

"Walang ligaya sa lupa
na di dinidilig ng luha.

9. Kasipagan

Dapat nga tayong magpakasipag
ang saad ng kawikaan -

"Ang kasipagan ay kapatid ng
kariwasaan."

"Ang kasipagan ay ina ng
kayamanan at kaginhawahan."

10. Tiyaga

Nguni't ang kasipagan ay dapat
kambalan ng tiyaga sapagka't -

"Ang taong matiyaga
anuman ay magagawa."

Kasabihan nga -

"Walang batong sakdal tigas
nasa patak ng ulan ay di
naaagnas."

Dahil sa -

"Ang unti-unting patak
sa bato ay nakakabutas."

Kaya naging bukang-bibig na -

"Ang ulang tikatik
siyang malakas magpaputik."

Maging sa mga manliligaw ay
kawikaan -

"Walang matimtimang birhen
sa matiyagang manalangin."

Sa katagang sabi -

"Walang matimtimang babae
sa matiyagang lalaki."

[Note to the reader: Although the next page is numbered "20," following pagination of this document as provided by Philippine Historical Data instead of the source, there appears to be at least one page missing after the previous transcribed page. This is not unusual among the scanned "historical data," for which the original pages might have been lost because of time — i.e. destroyed — or there might have been clerical errors committed by those who did the scanning.]

[p. 20]

11. Kapag ang nauna'y tamis, ang mahuhuli'y pait.

12. Nagpapakain ma't masama sa loob, ang pinakakai'y hindi nabubusog.

13. Anuman ang luto at siya nang siya, pilit sasawaa't hahanap ng iba.

14. Ang kaunting sira't di mo lagyan ng tagpi, pakakaraanan ng malaking sisi.

15. Bago gawin ang sasabihin, makailang isipin.

16. Mayaman ka ma't marikit
Maganda ang pananamit
Pag wala kang tagong bait
Walang halagang gahanip.
17. Ang mabigat, gumagaan
Pag napagtutuwangan.

18. Ang taong mapagmahili, lumiligaya man ay sawi.

19. Minamahal habang mayroon, kung wala ay patapun-tapon.

20. Kapag ang tubig ay matining, asahan mo at malalim.

Palasak pa sa lalawigang Laguna ang mga salawikaing ito. Ang bawa't salawikain, kasabihan, at kawikaan ay nagbabadya ng may aral sa buhay hango sa karanasan at pangyayari, o balong kadluan ng kagandahang-asal at aabuting kaugalian na dapat pagkunang halimbawa ng mga kabataan.

Kung ang lahat ng mga salawikaing laganap sa pitong libong pulo ng ating bansa ay pagsasama-samahin, bubuuin, at isasa-aklat, magiging lalong mayaman ang pag-aaral ng sining ng ating sariling panitikan. Maaaring ipantay ang ating mga salawikain sa mga salawikain ng kilala at tanyag12 ng mga bansa sa ibayong dagat.

--------------

12 Laya, op. cit., pp. 89-89

(Ang kasaysayang ito ay hango sa tesis ni Estelita C. Averion, 1971)

PART I | PART II

Transcribed from:
Historical Data of the Province of Laguna, online at the National Library of the Philippines Digital Collections.
Next Post Previous Post