MUNICIPALITY OF PAGBILAO, QUEZON, Historical Data of Part 4
PART I
Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V | Part VI
[p. 61]
Beautiful clothes and shoes are worn. The most outstanding figure is judged by the rest. Those who are in the barrios, working in the farm, rest on Sundays.
Natives of Pagbilao are very religious. They are ready to give any contributions for the church, no matter how much or how big it is.
During the town fiesta on November 24, everybody is ready to entertain their visitors. There are fairs, stage shows, moro‑moro, bands, and many things to see.
In the month of May, ladies and gentlemen form an organization and celebrate the month by means of masses and offerings through their own expenses. At the last day of the month, a ball is held in the school building or in the tennis court if the weather permits.
In the same month, there is a “Santa Cruz de Mayo.” People celebrate this occasion. There is a procession around the town.
When Good Friday comes, most of the people hear mass. The priest once more preaches the sufferings of Christ when He died on the cross. After the third day comes the Ascension.
[p. 62]
Flowers go to the house of the person concerned and then sing to him “Happy Birthday.”
The following day is celebrated with some delicious food, where friends and relatives are invited. Sometimes there is a birthday party, but usually a family gathering.
“BATIRAN”
When we go to certain places and forget things like jackets, hats, umbrellas, etc., sometimes we don’t really forget, but friends of ours play some jokes. They will hide somebody else’s belongings and then bring these to the owners when they leave. As a sign of gratitude, the owners give a little get‑together or some preparations.
[p. 63]
KAUGALIAN AT PANINIWALA
BINYAGAN
Ang batang binibinyagan ay ipinipili ng mabuting ninong o ninang. Ito ay binibigyan ng damit‑panbinyag ng ninong nito kung ito’y lalaki, at kung babae naman ay ang ninang ang nagbibigay ng damit‑panbinyag.
Matapos binyagan ang bata sa simbahan ay inaakit ng magulang ng bata ang ninong at ninang ng bata at sila’y nagsasalo‑salo. Ang mga ninong at ninang naman ay nagbibigay ng kaunting salapi; ito ay tinatawag na “pakimkim”.
Ang itinatatawag ng magulang ng bata sa ninong ay kumpadre at sa ninang naman ay kumadre. Tuwing sasapit ang ika‑dalawampu’t lima ng buwan ng Disyembre, ang mga bata ay nagtutungo sa bahay ng kanilang mga ninong at ninang upang humingi ng aginaldo. Ang mga bata naman ay binibigyan ng kuwarta at pinakakain ng kalamay at prutas. Kung gabi at masasalubong nila ang ninong o ninang man, sila ay nagmamano, tanda ng paggalang.
KASALAN
Ang isang binatang umiibig sa dalaga ay nananapat sa gabi sa bahay ng dalaga. Isa‑isa silang umaawit sa harapan ng bahay ng dalaga sa saliw ng gitara. Ang unang awit ay tungkol sa paggising ng dalaga at ang katapusan ay bilang pamamaalam.
Kung ang binata’t dalaga ay nagkakaunawaan na, ipinagtatapat ng binata sa ama nito. Ang ama naman at ilang kamag‑anak ng binata ay napunta sa bahay ng dalaga at nagdadala ng kaunting pagkain at inumin. Ang mga magulang ng magkabilang panig ay nag‑uusap tungkol sa pagkakasal ng kanilang mga anak. Ito ang tinatawag na “pamamanhikan”.
[p. 64]
Kung magkasundo na ang mga magulang ng mga bata, ay humihiling ang magulang ng dalaga ng anumang maibigay nito. Kung minsan ay hinihiling na patabasan ang niyugan nito. Kung minsan ay nahihingi ng bagong bahay para sa bagong kasal. Kung minsan ay salapi ang hinihingi. Ito ay tinatawag na “hunasan”, at kung sila’y mahilingang magtabas ay ang magulang ng lalaki ang bahala sa paggugol, sa kapakanan nito.
Matapos mapaunlakan ang kahilingan ng magulang ng dalaga, itinatakda ang kanilang kasal. Ang mga magulang ng dalaga at binata ay nag‑uusap tungkol sa paghahanda. Kung minsan sila’y nagtutulsa na ihahanda. Halimbawa kung sila’y tig‑isang baboy o kung wala nang handaan.
Ang nagbibigay ng damit pangkasal ay lalaki. Gayon din ang iba pang isusuot nito gaya ng asahr [Note: this word is unclearm probably a typo.], damit na bibihisin matapos ang kasal at sapatos.
Kung ang dalaga ay itinanan ng binata, ang mga pamahikan at hunasan ay hindi naginagawa. Sa halip, ay hinihingi ng magulang ng lalaki na makasal sila. Kalimitan sa tinatanan ay sa may mataas na katungkulang ito dinadala, tulad ng puno ng bayan o puno ng pulisiya o hukom tagapayo.
Pagkatapos ng kasalan ng binata’t dalaga, ang mga kamag‑anak nito ay nagtitipon‑tipon. Sila ay nagsasalo‑salo at pagkatapos ay naggagalahang. Ang babae ay umaawit sa mga magulang ng lalaki. Ito naman ay binibigyan ng salapi o gala. Ang pag‑awit ay sinasalihan ng gitara sa himig na pahinaing. Ang binata naman ay inaawitan ang magulang ng babae. Ang salaping naipon ay ibibigay sa bagong kasal.
SA PAGKAMATAY NG KAMAG‑ANAK
Kung ang isa sa isang pamilya ay namatay, ito ay kanilang binibihisan matapos punasan. Ang bangkay ay binibihisan ng pinakamagandang damit at sinusuutan ng medyas. Matapos bihisan, ang bangkay ay inilalagay sa ka-
[p. 65]
baong at ito’y tinatanuran ng kasamahan o kamag‑anak nito. Ito’y tinitirikan ng kandila at inilalagay sa malapit sa altar.
Ang mga kamag‑anak at kaibigan ng namatayan ay dumadalaw sa bangkay. Sila ay ang naglilimos sa patay. Ang mga binata’y nagpapalabas ng sari‑saring laro upang aliwin ang mga naulila. Ang mga palaro ay tinatawag na prindahan. Ito ay pagsubok sa pagkamatandain o liksi ng isip ng mga kasama. Ang parusang ipinapataw ng namamahala sa isang nagkamali ay ang pag‑awit, pagtula, at iba pa. Kung sila ay nagsasawa na sa larong ito ay iba naman ang kanilang ginagawa tulad ng pag‑abutan ng palitong posporo o di kaya’y tingting ng walis na may apoy. Ang maabutang kasama at mamatay ang baga ay siyang napaparusahan. Ang parusa ay tulad din ng unang laro, ang pag‑awit, pagtula, o anumang bagay na maisipan ng tagapamahala.
Matapos tanuran ang bangkay sa magdamag, ito ay inililibing sa libingang bayan. Ito’y dinaraan ang simbahan upang mabasbasan ng pari.
Matapos ilibing ang patay, ito ay pinagdadasalan ng siyam na araw. Sa ika‑siyam na araw sila ay naghahanda ng pagkain para sa dumalo. Ito ang tinatawag na “siyaman”.
Pagkatapos ng isang taon, ang mga kamag‑anak ng namatay ay nag‑aalis ng luksa. Ang patay ay ipinagdadasal at hinahandaan ng korona at kandila bilang pag‑aalala. Kung lungkasan ay karaniwang inaakit ang matatanda o “herman” na siyang nangunguna sa dasal.
Ito ang tinatawag na pagbaba ng luksa. Ngunit kahit na matapos ang lungkasan, tuwing sasapit ang unang araw ng Nobyembre ay dinadalaw nila ang puntod at hinahatiran ng korona at kandila. Ito ay ipinagdadasal din kung araw ng patay.
[p. 66]
TUNGKOL SA PAGSIMBA
Ang mga tao ay sumisimba kung Linggo at pistang pangiling. Kung sila ay sumisimba ay isinusuot nila ang pinakamagarang damit. Kung araw ng Linggo ay nagngingilin ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapahinga.
Ang mga taal ng taga Pagbilao ay maka-relihiyon. Sila ay nalalalang magbigay ng abuloy sa mga kapakanan ng Simbahan ngunit lubhang matitipid sa pagkain.
Kung pista ng bayan, ito’y ginagawa tuwing sasapit ang ika-dalawampu’t lima ng Nobyembre, ang mga tao ay nagsisipaghanda. Ang kanilang panauhin ay nangagaling sa kalapit bayan. Masayang isinasagawa ang kanilang tunkulin kung sumasapit ang ganitong pagkakataon.
Kung buwan ng Mayo, kinaugalian ng binata’t dalaga ang magpamisa sa simbahan. Ito ay nagsisimula ng unang araw hanggang sa katapusan. Ang mga binata’t dalaga ay kani-kaniyang araw ng pagpapamisa. Ang mga ito ay nag-aalay ng bulaklak sa altar. Sa huling araw ay kinaugalian na magpasayaw, at ito ay ginagawa sa Paaralang bayan o dili kaya ay sa Tennis court.
Gayoon din ang Santa Cruz de Mayo. Ito ay ipinagsasaya ng mga tao. Sila ay nagpamisa at humirang ng nagiging reyna para sa gabi-gabing prusisyon. Marami ang mga tao ang nasa lansangan dahil sa nais nang makita ang mga gagala.
Gayoon din, kung Mahal na Araw, ipinagdiriwang ito ng buong bayan. Ito ay ginagawa sa loob ng labing dalawang linggo. Ang karamihan sa mamamayan ay nagsisimba. Mula sa Lunes Santo hanggang sa Biernes Santo. Ang ilan sa kanila ay sumasama sa prusisyon, ay may panatang tumulong sa paglibot.
Tuwing Biernes Santo ay merong “Siete Palabras” na ginagawa sa
[p. 67]
simbahan. Sa pulpito ay muling sinasariwa ng pari ang mga paghihirap na dinanas ng Panginoong Hesukristo hanggang sa Siya ay mamatay na nakapako sa krus. Sa kinabukasan ay ipinagdiriwang ang Sabado de Gloria. Sa araw na ito’y binibinditahan ang apoy at tubig. Ang mga tao ay nagdadala ng kahoy sa harapang simbahan upang pabinditahan.
Sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Ang mga tao, lalo na ang mga bata, ay nagsisipagluksuhan, sa paniniwalang sa paglukso ay sila ay tataas.
Ang pagsalubong sa Mahal na Birhen at ni Jesus ay ipinagdiriwang din. Dito ay inaalisan ng isang anghel ang luksa ng Birheng Maria, tanda ng pagsasaya niya sa muling pagkabuhay ng kanyang anak. Ang gumaganap sa anghel ay isang munting bata. Buhat sa itaas ng barawalteng pinagsasalungan ay ibinababa siya sa pamamagitan ng isang lubid na nakatali sa kanyang baywang. Samantala, siya ay umaawit ng “Aleluya”. Sa simbahan nagtatapos at lahat naman ay nagdiriwang.
Tuwing sasapit ang ika-dalawampu’t lima ng Disyembre, ipinagdiriwang ang pagsilang ng Banal na Sanggol. Ang mga tao ay nagsisimba. Ang mga bata ay nagmamano sa kanilang mga ninong at ninang. Nagtitipon ang mga magkakamag-anak at sila ay nagsasaya. Karaniwan ay kakanin at tikoy ang inihahanda sa bahay-bahay, at ang paskong ito ay pinangungunahan ng siyam na simbang gabi. Ang pamisa ng bawat gabi ay panata ng iba’t ibang angkan na sila ring nakakaalam sa anumang kakailanganin sa pamisang ito. Kalimitan ay may tugtugin bago magmimisa at may kainan naman pagkatapos ng pagsisimba.
[p. 68]
BAYANIHAN AT TULUNGAN
Ang pagtutulungan ay isang mabuting kaugalian ng mga tao. Maraming uri ng pagtutulungan. Mayroong tinatawag na turunuhan, bayanihan at pakisuyuan.
TURUNUHAN: Ang turunuhan ay maaaring sa pamamagitan ng salapi, gawain o dili kaya’y salapi’t gawain. Sa turunuhan ay mayroong tinatawag na kabisilya at siya ang namamahala. Ito ay binubuo ng sampu hanggang dalawampung kasapi, ngunit maaaring humigit rin sa dalawampu bagamat bihirang mangyari.
Ang turunuhan ng salapi ay maaaring araw-araw, lingguhan, tuwing ika-labinlimang araw o buwanan. Ang kabisilya ang unang kumakabig sa anumang turunuhan. Bago pasimulan ang turunuhan ay pinagkakasunduan ng mga kasapi kung ano ang dapat gawin tuwing sasapit ang araw ng kabigan.
Ang turunuhan ng gawain ay kalimitang ginagawa ng mga magbubukid. Sila ay nagpapakana nito upang maisagawa nila ang malaking gawain sa lalong maikling panahon. Mga gawaing karaniwang patuturnahan ay ang pagtatabas ng niyugan, paggawa ng tapahan o pagtitirik ng bahay. Ito ay pakain at pamimindal ng may paturno.
BAYANIHAN: Ang bayanihan ay isang uri ng pagtulong na kusang loob at hindi naghahanap ng ganting paggawa. Isang halimbawa ay ang pagtapos ng gawain ng isang kaibigan. Ang kanyang mga kaibigan ay tumutulong ngunit hindi naghihintay ng pabuya. Gayon man, ang mga tumulong ay pinamimindal at patanghalian.
[p. 69]
HAGBUÑGAN
Kung sumasapit ang araw ng ating pagsilang, tayo ay nagsasaya. Ang ating mga kaibigan ay nakikidamay sa ating pagsasaya. Sa gabi, bago sumapit ang ating kapanganakan, tayo ay kanilang hinahagbuñgan. Dala ang mga sariwang bulaklak, sila ay darating sa ating pintuan na umaawit ng “Maligayang Bati.” Ito ay tanda ng kanilang pagdamay sa ating katuwaan. Kung minsan ay pinahihiyasan pa ang ating tahanan at sila na rin ang may dalang inumin at kainin.
Sa ipinamalas at ipinaramdam namang ito ng ating mga kaibigan ay ating ginaganti. Tayo’y naghahanda sa abot ng ating makakaya. Kalimitan ay may kainan at may sayawan.
Sa umaga ng araw ng ating pagsilang, tayo ay nagsisimba, tanda ng pagpapasalamat at lumipas ang isang maluwalhating taon at upang ipanalangin na nawa’y sapitin pa natin ang maraming taon na masagana at matahimik.
HATIRAN
Sa mga pagdalo natin sa mga punsiyunan o pagtatao, kung minsan ay nalilimutan natin ang isang bagay na dala natin gaya ng sumbrero o jacket sa mga lalaki at payong sa mga babae. Kung minsan ito ay hindi nating nalilimutan kundi kusang binibiro tayo ng mga kaibigan. Itatago nila ang gamit nating ito at pagkatapos ay inihahatid sa ating tahanan na may pahiyas.
Sa paghahatid na ito, tayo ay nakakapaghanda ng maiipainum o maipakain sa mga naghahatid. Ito ay isang uri ng kasayahan sa isang likha o sadyang pangyayari. Ang kalimitan nga ay malindas o kung minsan ay malaki ang ating nagagastos sa paghahanda kaysa halaga ng ating gamit na inihatid.
[p. 70]
MGA PAMAHIIN
I – Sa pamamahay.
- Huwag magwawalis ng gabi at parang pinapalis ang kayamanan.
- Ang sanggol sa sinapupunan ay di dapat tumayong lagi sa pintuan at nang hindi mahirapan sa panganganak.
- Hindi dapat maga-asis kung gabi at dadagitin ang pakyew.
- Unang ipanhik ang bigas at asin kung lumilipat sa bagong bahay para huwag magutom.
- Huwag magkakamot ng banig kung gabi at lalaglag ang alupihan.
- Kapag sumipol kung gabi ay lalabas ang ahas.
- Ang paglipat sa bagong bahay ay kung bago ang buwan sapagka’t patungo sa pag-unlad. Pag ang paglipat ay kung paliit ang buwan, ang kabuhayan ay di uunlad.
- Hindi dapat magpagawa ng bahay kung buntis ang asawa, sapagka’t parang ipinanggagawang kabaong ang asawa.
- Hindi dapat mag-urong ng kinainan kapag hindi pa tapos ang kasamahan upang hindi datnan ng sakuna.
- Huwag hahawak magsindi ng ilawan kung walang pahintulot ang maybahay sapagka’t nangangahulugang ikaw ay nanlalapastangan.
- Kapag kumakain at palipat-lipat ng tayo, maraming magiging katipan.
- Huwag magtatahi ng damit kapag ito’y suot sa katawan baka magkaanak nang walang butas ang puwit.
- Hindi dapat umawit o huminging kung nagluluto sapagka’t
[p. 71]
magkakasawa ng balo.
- Huwag pagpapatung-patungin ang mga palayok at magpapatung-patong ang mga utang.
- Kapag ang alagang kalapati ng mag-asawa ay lumayas kahit pinakakain, nangangahulugang alinman sa dalawa ay makikiapid sa di niya asawa.
- Huwag magbahay sa nauuluhan ng patay na sapa, sapagka’t laging magkakasakit ang titira sa bahay na yaon.
- Magtirik ng tagbak bago magbahay. Pag umusbong ang tagbak, mabuti ang pook na yaon.
- Huwag magtitirick ng bahay sa binubunggo ng ilog sapagka’t hindi magtatagal ang buhay ng titira roon.
- Huwag putlan ang pasikad ng ulong paluko kung pababasin kapag ang dating kahoy ang gagamitin, sapagka’t hindi magtatagal ang buhay ng tumitira.
- Kapag ang pusa ay naghihilamos at siya’y nakaharap sa pintuan, may darating na panauhin.
- Pag ang mga bata ay nagsipaglaro ng turumpo, darating ang paghihirap o taggutom sa mga taong bayan.
[p. 72]
II. PAGTATANIM:
- Hindi dapat tumawa kung nagtatanim ng mais; magkukularang ang mais.
- Ang pagtatanim ng balinghoy ay huwag itao sa kabilugan ng buwan, sapagka’t ito’y magkakalaman ng malaki ang butod.
- Hindi dapat tumingala kung nagtatanim ng saging, sapagka’t ito’y tatayog.
- Magtanim ng ayap ay kung hibas upang kung lumaki ay sagana sa bunga.
- Hindi dapat magwalis o mag-isis sa bahay na kinunan ng binhi hanggang hindi umuusbung ang palay na itinanim; baka dagain ang palay.
- Di dapat bilisan ang lakad kung nagtatanim ng niyog, sapagka’t mabilis din ang paglaki at mabilis mamamatay.
- Mamute ng mangga kung walang hinog upang huwag mabulok ang manggang pinahihinog.
- Huwag maglagay o magsasabog ng asin sa puno ng mangga o dalanghita at mani alaglag ang bunga.
- Kung magtatanim ng gabi, ang puno ay lasyan ng abo upang ang laman ay maging mayabo.
- Magtanim ng saging ay kung busog upang maging mataba ang bunga.
- Huwag magpapanag o magpapahiram ng palay kapag ang may-ari ay bagong magtanim ng palay na di pa umuusbung.
- Kung magtatanim ng niyog ay huwag bubuhatin patungo sa hukay. Hilahin ng sayad sa lupa hanggang mailagay sa hukay.
[p. 73]
kay, upang kung lumaki ay hitik sa bunga.
III - Patay
- Huwag dudungaw kung ang patay ay ipinapanaog ng bahay. Kung manungaw ay may susunod na mamamatay sa mga kamag-anak o mag-anak.
- Takpan ang salamin sa bahay pag may patay upang di lumabo.
- Iwasan ang pagpatak ng luha sa patay sapagka’t ang kaluluwa nito ay maghihirap.
- May isang kamag-anak na namatay pag may napakitang itim na paruparo.
- May namatay na kamag-anak pag nangarap na naalis na lahat ang mga ngipin.
- Huwag maliligo kung araw ng Biyernes at baka mamatay.
- Huwag magsuklay o maghiluko kung gabi at mamamatay agad ang mga magulang.
- Pag nakakita ng ahas sa paglalakad, may mabuting kapalarang darating; pagsawa, masamang kapalaran.
- Huwag magpahingi ng apoy kapag may bagong luwal na bata na hindi pa napapatid ang pusod sapagka’t hindi agad mababaho.
IV - Pagluluto
- Hindi dapat higitin ang buntot ng baboy pag pinapatay, sapagka’t makasisira ng tiyan ang karne.
- Kung taib maglangis upang maraming makuhang langis.
[p. 74]
V- Kasalan.
- Huwag dudungaw ang bagong kasal hanggang hindi pa kumakain ng almusal. Ang unang dumungaw ay mamamatay agad.
- Ang bagong kasal ay magkasabay papanhik sapagka’t ang unang pumanhik ay lalong makapangyarihan sa mahuhuli.
- Hindi dapat magsuno sa taon ang kasal ng magkapatid; ang isa sa kanila ay mamamatay agad.
- Iwasan ang pagkakansing ng singsing at aras sa pagkakasal sapagka’t magiging maaway ang mag-asawa.
- Ang babaing may taglay na sanggol sa sinapupunan ay di dapat magtaglay ng kandila at di dapat pumasok sa libangan sapagka’t maghihirap sa panganganak.
- Ang babaing may taglay na sanggol sa sinapupunan ay huwag magsasatong ng una ang dulo ng kahoy sapagka’t sa pagluluwal ng bata ay mauuna ang mga paa.
VI- Hanapbuhay.
- Huwag mag-iihaw ng isda ang may-ari ng baklad sa unang pandaw nito sapagka’t laging walang huli at sira ang baklad.
- Dapat iharap ang tindahan sa silangan sa pagpapatayô nito upang umunlad.
- Hindi dapat magpautang ng tinda kung araw ng Lunes lalo na’t umaga sapagka’t ang lahat na mapapagbilan ay utang.
- Hindi dapat mag-alaga ng anumang hayop na putol ang buntot sapagka’t malas sa kabuhayan.
- Kunin ang kasawayang pinaghuguman ng pukutan at siya’y…
[p. 75]
ilagay sa buunan upang maraming mahuling isda.
- Tumaga ng kawayan ay kung tag-araw, sapagka’t kung ang pagtaga ay sa tag-ulan ay panahon ng bukbok.
- Hindi dapat tumuloy sa bahay sugalan ang taong patungo roon na nakasalubong ng patay sapagka’t ito’y malas.
- Pag may dalang manok at patungo sa sabong ay hindi dapat magpayong sapagka’t matatalo ang manok.
- Pag ang usa ay tumilì (humuni) sa gabi at mabuti ang panahon, yaon ay babala ng masamang panahong darating.
VII - Mga Nunal.
- Mabaluhin ang may nunal sa pisnging daanan ng luha.
- Ang may nunal sa balikat ay magdadala ng mabigat na pasanin at daranas ng sapin-saping hirap.
- Palahiga ang may nunal sa likod.
- Matabil ang may nunal sa labi.
- Layas ang may taling sa sakong, paa, o talampakan. Kung babae, siya ay hahabulin ng mga lalaki.
- Pakialam o palakula ng hindi kanya ang may nunal sa daliri.
- Palapag-impok ng salapi sa baywang ang may taling sa baywang.
- Yayaman ang may taling sa kanang panga.
- Magkakasawa ng mabait ang may taling sa kilay.
- Yayaman ang may nunal sa loob ng ilong.
- Hindi marunong magtipid ang may taling sa palad.
- Mapag mahal ang may nunal sa kaliwang mata; yayamin, kung sa kanan.
[p. 76]
VIII - Mga Pangarap.
- Pag nangarap na ang lahat na ngipin ay naalis, may kamag-anak na namatay o mamamatay.
- Pag nangarap na ang bahay ay nasunog, may kamag-anak na mamamatay.
- Magkakaroon ng maraming salapi pag nangarap ng maraming kuto.
- Hindi magkakasawa o hindi makakasal ang mangarap na siya’y ikinasal.
- May kakasaling kamag-anak pag nangarap na siya ay nanunood ng kasal sa simbahan.
- Pag nakakita ng maraming hayop na iba’t iba sa pangarap, maraming kahirapan at kagipitan ang daranasin sa buhay, datapwa’t matatapos sa kasiyahan at katahimikan.
- Pag nangarap ng isang unggoy, dapat maghanda sa darating na kasiphayuan.
- Busog o palasong lumilipad ay babala ng mga sirang puri at ang baling palaso ay babala ng paglayo ng matalik na kaibigan na walang halaga sa iyo.
- Ang matalas na palakol ay babala ng isang magandang kinabukasan sa pag-aasawa; at ang mapurol ay paghihikahos at alitan.
- Magkakaroon ng matahimik na kabuhayan pag nangarap ng isang Santa o Santo.
- Maglalakbay sa ibang lugar o baybayin kapag nangarap ng gunting o taong gumagamit ng gunting.
- Ang mangarap ng isang helabes (scythe) ay masasawi sa.
[p. 77]
pag-ibig.
- Ang managinip na siya ay may sakit ay magkakaroon ng isang tagapag-aliw.
- Ang managinip ng maraming salapi ay magkakaroon ng malaking tubo sa kalakal.
- May mahalagang bagay na itinatago sa buhay kapag naharap ng naghuhukay sa pamamagitan ng pala.
[p. 78]
MGA SALAWIKAIN
A. Kalinisan (Cleanliness)
- Maging malinis at maayos Ang silong na di walisin, sapilitang aahasin.
- Ang kalinisan ay kasunet ng kalangitan.
- Ang kalinisan at kalusugan ay maituturing na kayamanan.
- Ang katawang malinis ay kanais-nais.
B. Pagpipitagan (Courtesy)
- Wala mang kayamanan, mayroon lamang kaugalian.
- Mahanga'y taga ng itak kaysa masamang pangungusap.
- Ang salitang mapitagan, lubos na kinagigiliwan.
- Ang batang mabait at magalang ay laging ipinagsasanggalang.
K. Pagtitipid (Thrift)
- Ubus-ubos biyaya, pagkatapos ay wala.
- Walang pagod na magtipon, walang hinayang na magtapon.
- Pag may isinuksok ay may madudukot.
- Ang pagtitipid ay siyang laging binabanggit.
- Kung wala kang tinipon ay wala kang maitapon.
- Ang taong laging bukas ang bulsa ay laging walang kuwarta.
D. Pagkamapatapat (Honesty)
- Ang taong bulaan ay kapatid ng magnanakaw.
- Masira man sa pamimilak, huwag lamang sa pangungusap.
[p. 79]
- Laging magtapat sa gawa, pangako, at pangungusap.
- Ang taong bulaan ay kawangis ng bulok na dalandan.
- Kung hindi ka laging magtapat ay walang masisiwalat.
E. Kasipagan at pagtitiyaga (Industriousness and perseverance)
- Ang hipon tulog ay tinatangay ng agos.
- Pag may itinanim ay may aanihin.
- Matalas man ang tabak, mapurol kung nakasakbat.
- Ang di matiis at magbata, ai magkakamit ng ginhawa.
- Ang asong nakabaluktot, buto man ay di makapulot.
- Ang taong walang gawa ay mabuti pa ang wala.
G. Katapangan (bravery)
- Ang bayaning nasusugatan ay nagibayo ang tapang.
- Ang di makipagsapalaran, hindi makatawid ng karagatan.
- Bago magkilala, magkalabugan muna.
- Ang tao’y parang alitaptap; paiilanlang sa itaas at saka biglang babagsak.
- Bago ka makipag-ibigan, isipin munang mataman; kung minsan ang kaliwang kamay, tinatasa rin ng kanan.
- Ang sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan.
H. Pagtitiyaga (perseverance)
- Walang matibay na bagting, sa matiyagang bibitin.
- Walang matitimang birhen sa matiyagang manalangin.
- Kapag ang sinta ng bale ang siyang umiral Alin mang kahoy na madanan, paghindi bali ay bungkal.
[p. 80]
Ang mahuling aso sa madaling araw, pilit mapuputok ang baywang.
- Marami man ang sampaga, iba ang tama sa mata.
- Ang taong di lumilingon sa pinanggalingan Di makararatíng sa patutunguhan.
- Ang tubig na matining, arukin mo at malalim, Ang tubig na maingay, arukin mo at mababaw.
- Kapag ang araw ay namamanaag sa silangan Utay-utay na lumalapit ang kapalaran.
- Ang kasipagan ay kapatid ng kayamanan.
- Ang maagap, daig ang masipag.
- Huli man daw at magaling ay nahahabol din.
I. Pag-asa (hope)
- Pag may hirap ay may ginhawa.
- May pakpak ang balita at may tainga ang lupa.
- Kung maliligo ka’y sa tubig aasap, nang huwag abutin ng tabing sa dagat.
- Ang lumakad ng marahan, matinik ma’y mababaw.
- Ang itak na laging nasa baywang ay hindi pakikinabangan.
- Ang batong pagulung-gulong, ay di kakapitan ng lumot.
- Suyuhin mo ng suyuhin, huwag lamang turang saging.
- Alin mang hayop ay may katapat na langit.
- Ang may matibay na kalooban, ang lahat nagagampanan.
L. Pakikipagkaibigan (friendliness)
- Ang ibong magkaparis ng balahibo ay siyang nagsasama-sama.
- Sabihin mo sa akin kung sino ang iyong mga kasam,
Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V | Part VI
