MUNICIPALITY OF PAGBILAO, QUEZON, Historical Data of Part 6
PART V
Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V | Part VI
[p. 101]
Ang bilang III, IV, V, at VI ay sasayawin ng lahat ng kasama. Ito’y sunod-sunod pagkatapos ng isang makasayaw. Ang sayaw ay matatapos pag ang lahat ng kasama ay nakasayaw na sa gitna ng bilog.
- O -
PANDANGGITAN O PAAMITAN
Sa mga pagtitipon na karaniwang ginagawa gaya ng taniman, hasikan, kasalan at iba’t-ibang uri ng pagtitipon, lalong-lalo na sa mga bukid, ang pinakamahal na ng paglilibang sa mga panauhin ay ang pagsasayaw ng awit na pandangguhan. Ang isang bandan o tauhan ay hindi ganap ang kasayahan kung wala ang ganitong uri ng paglilibang sa mga panauhin. Ito ay ginagampan sa pamamagitan ng pagsasagutan ng isang babae at isang lalaki. Ang lahat ng tanong at sagot ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-awit na sinasaliwan ng gitara. Habang umaawit ay sumasayaw. Ang mga karaniwang tunog na binibigkas ay ang sumusunod.
Lalaki -
Hahanap ng lunas ng gamot ko.
Naito rin pala sa hinaharap ko
Magandang gabi po sa kamahalan mo.
Gising at magbangon Inang karamdaman
Di sukut matulog, ang may sintang taglay.
Tingnan mong kuwintas mabibitwan mo
Gawang kabanalan malilimutan mo.
Babae -
Batang sa kakanin, di ikabubusog.
[p. 102]
Ano kaya itong marating kung palad
Nasa laot mandin sa gitna ng dagat,
Ako’y lumulubog di naman mabigat
Wala namang hangin ako’y napapadpad.
Lalaki-
Magbabayad akong hindi malalason,
Maghihintay ka lamang mamunga ang santol
Magbabayad ako, maski isang bayong,
Babae-
Susundin ko na nga, madaling madali
Para ng pagsunod sa mahal na hari,
Ako’y naito na nang masunod na suay
Tumatama kayo kung baga sa palay,
Tinitingnan mo nang melawig ang buhay
Husto sa tulyapis sa laman ay kulang,
Mga maginoong dito’t napapansin
Anong tuwa niyong ako’y pagutusan,
Kung sana sa kahoy ako’y sanga lamang
Kayo po ang punong dapat panggalingan,
Lalaki-
Mahal na prinsesa, kitay pagsulitan
Nang sa anduwaging mga kasangkapan,
May pit may likop, may lagari’t ketam
Kapag walang kumpas, walang kasayayan.
- O -
[p. 103]
HARRISONAN
O
PANDANGGUHAN
Ang sayaw na ito ay malimit gawin sa lahat halos ng pagtitipong mayroong alak na inumin. Ito’y ginagawa sa saliw lamang ng isang gitara. Lahat ng nasa pagtitipon ay kasali dito sa sayawan at awitan ito.
Ito ay isa sa pinakamasayang sandali sa isang handaan o pagtitipon.
Kasuotan - Lahat ng uri ng damit Tugtug - Iisa ang uri ng tugtug nito, ang marami sa sayaw na ito ay mga awit. Kung awit ang pag-uusapan ay mayroong nauukol sa kayang uri ng pagtitipon tulad ng kasalan, silibrahan at iba pa.
- Pasimula -
May isang lalaki o babae na kung tawagin ng lahat ay dumadapit. Ito’y may hawak na bote na puno ng alak at saka isang tagayan. Sa simula ay siya muna ang iinum at sa susunod na tagay ay yaon ay kanyang iaawit o idadapit sa gusto niyang pagbigyan ng tagay.
Ang mapagbigyan ng tagay ay pilit itong iinumin at kung minsan naman ay ito ay hindi agad tatanggapin ng inabutan. Masagot siya ng awit din at kung minsan pa ay kung ano-ano pa ang kanyang hinihiling sa may dala ng tagay.
Itong sayawang ito at awitan ay masaya lubha pa at ang magkakaharap ay pawang marunong umawit, at lalo pa at kung ang babae ay siyang awit na ang pagbibigyan naman ay isang lalaki, sari-sari ang ipinagagawa ng lalaki sa babae bago tanggapin ang tagay na alak. Mayroong nagpapasayaw muna, mayroong ipinapasunod pa muna ang tagayan at mayroong pang kung...
[p. 104]
minsan ay pinapapasombrero.
Ang isa pang nakapapasigla sa sayaw at awitang ito ay kung mayroon talagang magagaling na umawit at sumasayaw. Dahil sa kagalingan ay mayroong mga taong na sa paligid at nagsasabog ng kuwarta.
AWIT SA PANITIKAN
Umaawit nakaupo ---
kinagigilawang sintas ng kapatid
Magasilikmo kayo at nang magkaniig
Ligaya nang ating mga puso’t dibdib.
Kahiman at ako’y walang i-anyaya
Salat palibhasa mula pa sa una
O, mga katoto ang iyong pasincia
Ang ikahuhulot loob mong maganda.
Itinulad ninyo sa inyong pagdating
Kayo ay dadalaw sa portal ng belen
Mga loob nati’y paglakip-lakipin
At handog ngayon sa mahal na birhen.
Nang harinangganing tayo ay magkamít
Nang awa niyong Mesias na ibig
Hanggahan ko dito O mga kapatid
Umaasa sa awa nang Dios sa langit.
Titindig ang umaawit --
Mga natitipong pantas at maalam
Ano kayang dapat na sukat ialay
Na ukol sa inyong dito’y nagsidatal.
[p. 105]
Ang lapos kong isip at salat sa dunong
Walang sukat akong sa inyo’y i-ukol
Ang pasincia ninyo’t loob na hinahon
Sa kakulangan ko’y siyang magdurugtong.
Pagsunod ko lamang sa nangagananais
Pagbibigay puri sa tanang may nais
Nang hindi mawika nang nangasipanhik
Na di ko liningap kayong nagsilapit.
Ipinakikilang loob ko’y panatag
Sa kapuwa tao ang pakikiharap
At utos ng Dios ibigin ng tapat
Ang kapuwa tao mayaman at mahirap.
At gayon din naman sa puso ko’y quintal
Na sinusunod ko ang nangang-uongal
Kung sakaling ako ang siyang may panaw
Ay nang huwag naman akong pagkaitan.
Kaya nararapat na aking isalin
Yaring tonang dala sa lalong magaling
Nang upang malubos ligaya’y sapitin
Nang nangag-nasa na may pusong garing.
Yaring aking puso na nasa payapa
Binakla nang di ko matarok na lubha
Inakala kong sa aki’y pagkutya
Ang pasinta niyang kunwa’y may dalita.
Ang inihahayin na sinta’t pag-ibig
Sa puso raw niya’t sa lulon ng dibdib
Ay doon nagmula ang inihihibik
Ay aking tanggapin nang siya’y mabihis.
[p. 106]
Sa karalitaang kanyang tinataglay
Dinaramdam niyang sakdal kabigatan
Dahil sa pagsintang halos ikamatay
Nang kanyang di na makayanan.
Yaring aking loob sampong pag-iisip
Di ko mapagwari’t gulo yaring bait
Kung paniwalaan ang kanyang pagibig
Baka marahayo sa hindi matuwid.
Kukunang siyasat nang maliwanagan
Kung ang kanyang sinta ngayong tinataglay
Ay kung saan mula na upang malaman.
Ikaw maginoong naghayin nang sinta
Na nagsasalitang may taglaying dusa
Inyo raw sabihing at ipakilala
Kung ilan calidad sintang ibinadya.
Dating nanaig ako sa ligaya
Sa kinamulatang ama ko at ina
Ngunit yaring puso ngayon binabakla
Nang di karaniwang aglahing pagsinta.
Pagsintang narinig na inahahandog
Bukal raw sa puso ang panghihimutok
Magdarayang sinta na idinudulot
Nitong nagnanasang suminta’t umirog.
Ikaw sa loob ko ay minamabuti
Kung tapat ang iyong manga sinasabi
Baka ang datnin ko’y ang pagkaruhagti
Ang inaalala nang palad kong imbi.
[p. 107]
Marami sa mundo at siyang madalas
Sa isang paris ko ang pagkapahamak
Kapag sa salita’y naniwala’t sukat
Ang puri marahil ang mawawakawak.
At kung masapit na ang pagkaduhague
Kahit magsisi may walang pangyayari
Kaya nadarapat kilanling mabuti
Ang linis nang iyong sintang sinasabi.
Ikaw na nag-alay nang sintang sa akin
Calidad nang sinta na ipinagturing
Salamat sa iyo at di ka naglihim
Ang pinagbuhatan ay aking nalining.
Ngayon ang tanong ko sa iyong dignidad
Kung tunay ang iyong pagsinta’t pagliyag
Itong matrimonio ngayon gumagamit
Ay iyong sabihon at ipaliwanag.
Bakit ang sino mang taong nagnanais
Nitong matrimonio ngayon gumagamit
Ay dinadarapat sa walang pagibig
At di makakamtang magkasang dibdib.
Siye ko ngang gusto na maliwanagan
Santo matrimoniong anong kahulugan
Kung iyong sabihin’t aking maalaman
Sinta ko’t sinta Mo’y pagsisihing tunay.
Yaring sakdal tibay na puso ko’t dibdib
Nahahambal ngayon sa tinangis-tangis
Sa bilis ng pukol nang panghihinagpis
Nitong sumisintang may tangan pagibig.
[p. 108]
AWIT NA PANGARAL SA KINASALAN
Tabi sa pinoponang tanang magnotis
Mañga marurunong at pawang noblicis
Akong ignorating salat kung sa isip
Sa inyong locienti’y nangahas magsulit.
Una’y pasintabi lubos ang pagsalang
Handog ko sa inyo ang buong pitagan
Ang may tanganang ley bait na sinimpan
Kayo ang magpuno sa isip kung kulang.
Ang sasabihin ko at ipagbabadya
Ay asal na lagak ng Santa Iglisya
Pagpilitang sundin ninyong mag-asawa
At layong palagi ang pagkakasala.
Mañga puso ninyong bagong pinaglaki
Sa altar ni Kristo at nang birheng ibig
Pag ingatan ninyo at huwag pagahis
Sa tukso nang mundong lilo at balawis.
Yaong sakdal dilag santo matrimonio
Sacramentong galing sa poong kay Kristo
Sa dibdib umagos pitong sacramento
Laan sa lahat na kung tungkol kristiano.
Ang dalawang puso ninyong magsing-ibig
Ngayon ay pinagsa sakdalan sa linis
Padrino’t madrina ang saksing mahigpit
Sa pagtanggap ay sintang walang dungis
Pinagtibay ninyo sa harap na altar
Na ang matrimoniyo’y hindi durungisan
Ang tamis ng sumpa sa nagdaang araw.
[p. 109]
Nawiwindang halos yaring puso’t loob
Nahahabag ako sa panghihimutok
Kaya buhat ngayon aking kinukopkop
Ang kanyang pagsinta na sa puso’y taos
Buhat ngayon siya ang kikilalanin
Tunay na sinta ko magpahanggang libing
At ang aming puso ay pag-iisahin
Sa harap ng altar ng Dios na giliw
Ito’y saksi na magpapatibay
Upang tunay na aming pagkakaibigan
At pagkakaisa nang dalawang tunay
Sa harap nang Dios aming isinakdal
Dalawang puso namin ngayo’y magkalakip
Aming pinagtibay pagsinta’t pag-ibig
Karamay ang buhay na di malilihis
Hirap at ginhawa damay kaming pilit
Ngayon ang sinta mo’y aking tinatanggap
Pagtibayin natin sa harap ng altar
At kita’y paampon sa Dios na liyas
Sa pag-ibig nang di magka sumbat
Alisin mo sa loob ang panghihinagpis
Sumapayapa ka sinta ko at ibig
Hirap mo’y totoong damdaming pilit
Niyaring iyong sintang kapilas nang dibdib
Sa lahat nang oras di ka lilimutin
Palibhasa’y sintang mahal sa panimdim
At hanggang mawala ang buhay na angkin
Ikaw ang sinta kung giliw-giliwin.
[p. 110]
Sinaksehan ngayon hanggang sa libingan
Ang singsing na guinto at kadenang pilak
Nasa iyong nobya’y tambing iginawad
Nang mahal na nobyang sinta mo at liyag
Sampo pa nang tandang marilag na oras.
Ang kadenang pilak ang taling mahigpit
Ninyong dalawang pinag-isang tikis
At taling matibay na hanggang sa langit
Siyang ihahayin sa Dios sa langit.
Sa harap nang altar nang poong si Jesus
Yaong consagradong bilong maalindog
Kaya pinutungan ikaw naman nobya
Nang mahal na bilo ang ulo mo baga
Kung kaya’t matibay inyong pagsasama
Ang kakamtan ninyong luwalhating gloria.
Kaya ikaw naman oh mahal na nobyo
Isinabalikat consagradong bilo
Kung kaya’t may hirap na sapitin kayo
Kahit anong bigat babalikatin mo.
Kaya’y magsasama ngayon habang buhay
At kayong dalawa’y iisang katawan.
Iibigin mo siya’t iibigin ka namen
Sundin mo ang utos at susundin ka naman.
Isang halimbawa abg babae’y mali
Huag isa-puso ang dalang pighati
Ang pamamarali huag iaglahi
Ito ang kay Kristong utos na pelagi.
At bukod sa rito’y tungkolin nino man.
Tungkol may asawang mag-iba ng asal,
[p. 111]
Huwag pamarisan ninyo yaong iba
Munting kagalita’y maghihiwalay na.
Karaniwa’y hanggang mano ang hininga
Hindi matutong muling magpisan pa.
Sa mundo’y wala nang mabigat na pasan
Nasa matrimonio ay makakatimbang
At wala rin namang dadalhing magaan
Kung ang magdadala ay di magkatuang
Kahit anong saya nang inyong sapitin
Di matutumbas sa nagdaang aliw
Kung ang pagmamahal ay di mo limutin
Ang dating ligaya’y hahanap-hanapin.
Ang lahat nang bagay ngayo’y lisanán mo
Itanim sa puso gawang magistado
Aral at habilin nang poon si Kristo
Sadyang inilagak ng pastor divino.
Pang-ingatan ninyo ang panirang hibo
Sa lahat ng tukso ay mangagsilayo
Kaya hanggang dito yamang inyong tanto
Piliin ang bolang magaan sa puso.
Ito’y marapatin inyong pagtamanan
Isilid sa loob at sa gunam-gunam
Itong matrimonio’y isang kabanalan.
Ay dito sa mundo’y kung mapag-ingatan
Ang panirang puri’y nang huwag sapitin
Na makakahiya sa ninoma’t alin
Kayo ngang dalawang mag-asawang giliw
Matrimonio ninyo ay pakamahalin.
[p. 112]
COMMON BELIEFS AND SUPERSTITIONS
I - Household Activities --
- Avoid sweeping at night, for doing so is like sweeping away the wealth.
- A woman on the family way must avoid staying at the door for she will have a hard time during her labor.
- Never scrub the floor at night for one's rice fields will be infested with rats.
- Take in rice and salt first when moving to a new house to avoid hunger.
- Never scratch the mat at night for centipedes will fall on the floor.
- When one whistles at night, snakes will come.
- It is advantageous to move to a new house when the moon is becoming big, because it is a sign of progress; it is the reverse when the moon is getting small.
- A couple should not have a house constructed when the wife is on the family way, because it is as if a coffin is being built for her.
- One should avoid collecting and washing the plates while another is still at the table; this will bring on mishaps.
- Never light a cigarette from a lamp in the house of another without the permission of the owner, for it is as if you are overstepping him.
[p. 113]
- One who transfers to other seats in the course of a meal will have many sweethearts.
- Never darn or mend clothes on the body to avoid having an offspring without a rectum.
- A woman or a girl must avoid humming or singing near the stove while cooking to avoid marrying a widower.
- Never put a pot on top of the other for doing so will increase one's debts.
- When doves abandon their homes and masters, either of the man or woman with whom they live is "playing with fire."
- Never build a house within the curve of a brook for the dwellers will be always sick.
- Before building a house, plant "tagbak" on the desired spot. If it grows, it is a good place.
- Never construct a house directly at the point of the curve of a stream: the dwellers will not live very long.
- Never shorten the rafters of the gables to lower them if the same rafters will be used; the occupants will not live for long.
- When a cat washes its face near the doorway, a visitor will come.
- When children play with tops, there will be hardships and famine.
[p. 114]
II - Planting
- Never smile or laugh while planting corn, otherwise the ears will not be filled with grain.
- Plant cassava when the moon is not big so that the root crops will grow big with little pith.
- Avoid looking up when planting bananas so that they will not grow very tall.
- Plant beans during low tide to insure a good harvest.
- Never scrub the floor and other parts of the house until the newly-planted palay have sprouted; if the grains came from that house, the ricefields will be infested with rats.
- Steps should be moderate while planting coconuts so that the trees will grow moderately in height and thrive for many years.
- Pick mangoes when the dew has dried to insure good ripe mangoes.
- Never scatter salt at the foot of any citrus fruit trees when fruits are already mature so that the fruits will not fall to the ground.
- Eat much before planting bananas to have big fruits.
- Never lend palay if one (the owner) has just sowed his ricefield and the seeds have not sprouted yet.
- When planting coconuts, drag them close to the ground while taking them to the hole so that when they grow they will have many fruits.
[p. 115]
III - Death
- In the house of a dead man, a person should not look out of the window while the corpse is being carried down the house; a member of the family will “follow” him.
- Cover mirrors when someone is dead to maintain the brilliance of the mirror.
- Avoid dropping tears on a dead person because his soul will not have rest in the hereafter.
- A black butterfly means that a kinsfolk had died.
- Either a member of the family or a relative died if someone dreamt that all his teeth were pulled off.
- Taking a bath on Friday will bring on early death.
- Never cut the finger nails or comb the hair at night; your parents may die early.
- A snake seen on the way means good luck; a python bad luck.
- Avoid giving fire to neighbors when there is a newborn baby whose umbilical cord is not yet detached from the body.
IV - Cooking
- Never pull the tail of the pig while it is being butchered, otherwise anyone who will eat the pork will have loose-bowel movement.
- Make oil during high tide so that much can be had.
[p. 116]
V - Weddings
- A newly-married couple should not peep out of the window before breakfast. The one who does will not live long.
- Newly-marrieds should go up the stairs at the same time. The first (if they do not go together) will dominate the other.
- Brothers and sisters should avoid getting married within the same year, otherwise either one will suffer and die early.
- Care must be taken so as not to drop or make noise with the wedding ring during the ceremony, otherwise their wedded life will be full of troubles and quarrels.
- A woman on the family way must not bear a candle and must avoid going to the cemetery, lest she encounter hardships during her labors.
- A woman on the family way should, in building a fire, burn first the bigger end of the wood; lest, in delivering, the child’s legs come out before the head, which should not be.
VI - Occupations
- Owners of fish traps should not cook the fish of the first catch by broiling, lest the trap be destroyed at once.
- A store being built should face the east so that it will progress much.
- Goods in the store should not be sold on credit on
[p. 117]
Monday morning, lest all sales on that day be on credit.
- Never domesticate an animal with a cut tail for earning a living will be a hand-to-mouth existence.
- Use the part of the bamboo which the bees had used to attach their hive in making fish traps to insure plentiful catch every day.
- Cut bamboo during summer. When this is done during the rainy season, the bamboos will be attacked by “bukbok.”
- A person on his way to a gambling place should not proceed further if he meets a funeral; if he does, he is sure to lose.
- A person going to a cockpit with a rooster should not take an umbrella with him lest his cock be defeated.
- A wild noise made by wild deer at night means that the next day will be a fair one.
VII - Moles
- A person with a mole near the eyes, where the tears pass will have more than one husband (or wife, as the case may be).
- A mole at the shoulder signifies hardships, great burdens and sufferings.
- A mole on the middle part of the back of the body means that the person is fond of lying down.
- A mole on the upper lip signifies a cruel and tyrannical person.
- A mole on the heel means that the person is a wanderer.
- A mole on the hand or finger means that the person takes things that are not his.
[p. 118]
- A mole on the waist means that the person hides money in his waist.
- A person with a mole on the left jaw will become rich.
- One with a mole on the eye-brow will have a kind husband or wife.
- One with a mole inside his nose will become rich.
- One with a mole on the palm will not become rich.
- A mole in the vicinity of the left eye signifies wealth, one near the right eye: hardships.
VIII - Dreams
- To dream of a burning house means that someone in the family or a relative died.
- To dream of lice means that one will accumulate untold wealth or money.
- One will live to ripe old age if he dreams of weeds.
- To dream of attending somebody's wedding means that one of one's close relatives will get married.
- To dream of different kinds of animals means that one's life will be filled with toil and hard work but that in the end he will know peace, security and contentment.
- To dream of monkeys in a zoo and circus performances means that one must be on his guard against gossip and treachery.
- Arrows flying in the air are a sign that one will be injured by gossip unless he takes steps to trace its source and refutes it; a broken arrow is a sign that one may lose a good friend whose worth is not appreciated.
[p. 119]
- A sharp axe ready for use means material success and happiness in marriage; a dull axe means petty quarrels and financial losses.
- To dream of saints means a life of peace.
- To dream of seeing scissors or using them is a sign that one will soon visit new places and make new friends.
- To dream of a scythe is an indication of disappointment in love.
- To dream that one is sick means that someone will come to comfort him soon.
- To dream of having accumulated wealth means that one will have a large profit in business.
- To dream of digging with a spade means there is something in one's life which he is trying to hide.
Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V | Part VI
