MUNICIPALITY OF PAGBILAO, QUEZON, Historical Data of Part 5
PART V
Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V | Part VI
[p. 81]
At sasabihin ko sa iyo kung sino ka.
- Pag may hirap ay may ginhawa.
- Kung ayaw mong masakupan, lumabas ka ng bakuran.
- Ang baluktot na gawain, mahirap nang tuwirin.
- Ang kahoy hanggang mura ay hutukin.
- Ang manok na magkakasama sa tangkal ay silang nagtutukaan.
- Ang taong maingay ay kinayayamutan.
- Walang batong lumapit sa suso.
- Ang gabing bunuti't itanim ay hindi maglalaman.
- Matalino man ang matsin, mapaglalamangan din.
- Walang sumisira sa bakal kundi ang sariling kalawang.
Mr. Pangangako (making promises)
- Ang pangako kung maliban, tupdin ma’y wala nang linamnam.
- Anhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
- Wika at batong ihagis, di na muling magbabalik.
- Kung pinukol ka ng bato, ang iganti mo ay puto.
- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- Ang di marunong magbata, walang huhinting ginhawa.
- Ang taong mapagbualan, ay hinlog ng magnanakaw.
- Pag ang punla ay hangin, bagyo ang aanihin.
- Walang mataas na bakod sa taong natatakot.
- Ang maikli ay dugtungan ang mahaba ay bawasan.
- Pag ikaw ay nagparaan, parararaanin ka naman.
- Kapag tinawag na utang, pilit na babayaran.
- Ang naglalakad ng matuling, matinik ay malalim.
- Kung ano ang masama sa iyo huwag mong gawin sa kapwa mo.
[p. 82]
- Kung tunay na tubo, matamis hanggang dulo.
- Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila.
- Walang binhing masama sa mabuting lupa.
- Nakikita ang butas ng karayom, hindi ang butas ng palakol.
- Ang pagmamahal sa sarili ay nakabubulag.
- Bago gawain ang sasabihin, makasampo mong iisipin.
- Di man magmana ng ari, magmana lamang ng ugali.
- Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait na sarili.
N. Pagtatatapat (faithfulness)
- Pag ang sakit ay malaki, ang pangako ay marami; kung gumaling na at bumuti, Diyos ma’y di masabi.
- Ang pagsasabi ng tapat, pagsasamang maluwat.
- Ang taong magtatapat, kakamtin ay mabuting palad.
- Mabuting kuwenta, mahabang pagsasama.
- Ang nais kung dalisay pilit magtatagumpay.
- Saan mang gubat ay may ahas.
- Lumalalon, bumubuti; sumasama pa kay sa rati.
- Ang taong maramdamin ay masalinigin.
- Ang taong matakaw ay mabuti pa kaysa magnanakaw.
- Ang ibong mababa ang lipad ay payat.
O. Pagtitipid (thrift)
- Ang di nag-iimpok ay mukhang kawawa.
- Ang taong matipid ay hindi gugutumin.
- Ang naghahahangad ng kagatna, isang salop ang nawawala.
- Kapag ang tao’y matipid, maraming maililigpit.
Iba pang salawikain;
- Pag maaga ang lusong, maaga rin ang ahon.
- Iba ang sagap sa sipat.
[p. 83]
- Daig ng maagap ang isang masipag.
- Masisi na sa asap, huwag lamang sa kuyad.
- Magsisi ka man at huli, wala nang magyayari.
- Walang unang sisi sa unang nangyari.
- Nang magsalakot basa na ang tuktok.
- Ang panahon’y isilay, nang di mapag-iwan.
- Mata sa panahon’y samantalahin sapagkat ginto ang kahambing.
- Sa lakad ng panahon, lahat ay sumusulong.
- Lumalakad ang kalabasa, naiwan ang bunga.
- Kung anong kapangyarihan siyang kahihinatnan.
- Pag di ukol, hindi bubukol.
- Pag talagang palad, sasampa sa balikat.
- Ang kapalaran ko’y di ko man hanapin, dudulog lalapit kung talagang akin.
- Ngayon tutukain, ngayon kakabigin.
- Parang baboy na gagala-gala, laman at mantika ay masama.
- Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
- Ang katamaran ay ina ng kahirapan.
- Ang kamalian ng mahirap ay napupuna ng lahat.
- Ang kamalian ng mayaman pinaparang walang anuman.
- Buhay lamang, pagluksó’y patay.
- Kasama sa gayak di kasama sa lakad.
- Ang taong walang pilak parang taong walang pakpak.
- Ang kahalintulad ko’y ang ibong inakay. Walang balihibo’t pakpak ng ikaw ay.
- Hanggang maiksi ang kumot, magtiis mamaliktot.
[p. 84]
- Pag may tag-araw ay may tag-ulan.
- Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag.
- Pag may hirap ay may ginhawa.
- Ang di marunong magbata, di magkakamit ginhawa.
- Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha.
- Ang kasipagan ay kapatid ng kariwasaan.
- Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan.
- Ang taong matiyaga, anuman ay nagagawa.
- Walang batong sakdal tigas na sa patak ng ulan ay di naaagnas.
- Ang unti-unting patak sa bato ay nakabubutas.
- Ang ulang tikatik siyang malakas magpaputik.
- Pag ang puno ay haling, alagad pa ang gumaling.
[p. 85]
FOLKSONGS
It has been the custom of the natives in Pagbilao to hold a "Harisonan" or "awitan" whenever there is a gathering. Usually the young and the old meet at social affairs like the eve of a wedding celebration, rice planting day and others. Sometimes this "awitan" takes place in what is called "Suwisan." This is a celebration done in barrios to elect new officials. After the election of the barrio officials the barrio folks are gathered together and begin their merry makings. The hostess requests a lady to begin the "awitan". The lady is given a cup or any container with wine. With the accompaniment of a guitar, clapping of hands and dragging of feet, she begins to dance and sing. The onlookers, who appreciated the graceful movements and the sweet voice of the lady, throw coins around her which she afterwards picks up as a present. The following are the version sang:
MGA KATUTUBONG AWIT
(Folksongs)
Naging kaugalian na ng mga mamamayan ng Pagbilao na magkaroon ng "Harisonan" or "awitan" kung nagkakatipon di lamang ang mga kabataan, kabinataan at matatanda. Ang mga ganitong tagpo ay nagaganap sa mga pasilungan. Ang pasilungan na tinatawag ay yaong gabi bago ganapin ang kasalan, hasikan o anumang kasayahan kinabukasan. Kung minsan ito ay nagaganap sa isang "suwisan". Ang suwisan ay yaong pagtitipon ginagawa sa mga bukid o nayon upang magpalitang taong nayon ng mga bagong punong-nayon. Ito ay dinadaluhan ng halos lahat ng taong nayon mga lalaki at babae at pati ang punong-bayan ay nadalo rin.
[p. 86]
tapos ng ganapin ang paksa ng pagtitipon ay isinusunod ang "awitan". Karaniwan ay ang punong-abala ang nahiling sa isang dalga upang pasimulan ang awitan. Ang dalaga ay binibigyan ng tasa o anumang tagayang may lamang alak. Sa saliw ng gitara, tadyakan ng paa at taplak ng kamay, ang nahilingan ay magsisimulang umawit at sumaya. Habang sumasayaw siya, ay naghahagis naman ng kwarta ang mga natutuwang nanonood. Ang mga sumusunod ang kinaugalian awitan.
Yaring pagtindig ko sa harap ng madla
Una kong bibigkasin, ang labi ko't dila;
Di pa nabibigkas ng labi ko't dila
Ang nangunguna na'y ang malaking hiya
Ako'y nahihiya umawit kundangan
Sapagkat ako po ay isang dayuhan;
Baka masabi ng sino't alin man
Dayuhan pa namang walang alam.
Ako'y nahihiyang umawit ng tikis
Sapagkat ako po'y masama ang boses;
Mayroon tatawa, mayroon iismid
Magkakalabitan pa ang magkakaratig.
Ano kaya bagat ako'y pinunta
Panapagindapat sa ganitong hunta
Ako'y di marunong bumasa ng letra
Kayo ang bahalang magdedespensa.
[p. 87]
Ano kaya bagat’ ako ang dinamot
Batang alanganin, kulang pa ang loob
Sanay sa kakanin ay di ikabubusog
Kulang sa linamnam, di paris ng hinog.
Iyaabot ko nay ng di nalalaon
Yaring tangan-tangan, rosas de palston;
Tinitingnan-tingnan, nililingon-lingon
At itinuturo pa ang wika’y deoon.
Nariyan na ngat’sa iyo’y darating
Ang pinangangalan mahal na inumin
Ipinagkakaloob ng mag-inang Birhen
Sa lalamunan mo huwag makahirin.
Nariyan na nga po at darating sa iyo
Ang pinangangalan mahal na taga’y mo;
Ipinagkakaloob ng Poong si Kristo
Magdaang maluwag sa lalamunan mo
(She hands the cup to the man she chooses.)
(The man takes the cup and follow the movement
of the woman as he sing the following:)
Man---
Salamat sa Diyos at ako’y pinalad
Pinalad man ako di ko naman hánanap;
Ito’y ugali na ng lalaking tamad
Ang hinahanap hanap ng masipag.
Ang tao nga pala kapag pinapalad
Mukhang na sa dilim ay nagliliwanag;
[p. 88]
Ang nakakawangis at nakakatulad
Kamahal-mahalang santong Diyos Anak.
Magpautang ka na’t ikaw ang mayroon
Magbabayad kaming hindi malalaon;
Hintayin mo lamang kami ai makaipon
Magbabayad kami kahit ilang bayong.
Abot yaring karta kapwa ko bata
At pagkaabot mo basahin mong bigla;
Nariyan ang langit, nariyan ang lupa
Nariyan ang lahat ng katuwa-tuwa.
(He hands the cup to the woman)
Woman--
Ng gawang umawit at gawang sumayaw;
Ang kinagisnan ko sa aking magulang
Plume ko ay dulos ang papel ko ay parang.
Ako’y nasari nang nasunod nasuway
Tumatams kayo kung baga sa palay;
Tinitingnan mo ng malago ang buhay
Husto sa tulyapis sa laman ay kulang.
Ako’y pinipilit ako’y taong wala
Wika ko sa gayon namamelibhasa;
Gat-in man ng gat-in ang niyog na mura
Wala kang hihinting lalabas na gata.
[p. 89]
Ang wika noong mama ako ay maalam
Hindi naman niya ako timuruan;
Ipegpalagay mong tinuruan mo man
Ituro mo uli aking nalimutan.
Ako'y paalam na palapa ng saging
Kung anong gawin mo siya kong gagawin
Kung ikaw'y sumayaw, ako'y sasayaw rin
Kung ikaw'y kumumpas, ako'y kukumpas din.
(The woman hands the cup to the man)
Man---
Mahirap nga pala ang hindi mo gusto
Tumawag-tawag may di mo asikaso;
Kung tama kung yaon na naaalmsan ko
Nasa libanan pay, ang tawag ko'y adyo
Magpautang ka nay makababayad din
Kung di dooy dito sa langit mo hintin;
Kung di makabayadiyong ipakarsel
Palagyan ng posas di nay uuli rin.
(The man gives the cup to the woman)
Woman---
Susundin ko na ngang maluwag sa loob
Kahit di magulang ang siyang nagutos,
Mamamatay man ako at sa panununod
Masasabi-sabi talaga'y ng Diyos.
Ang kanan kong kamay ikumpas ko kaya
Tantong may halaga kung yaring kaliwa;
Sumala sa kibo mga pagwiwika
Tatawanan lamang matanda't bata.
[p. 90]
(She begins the "kumintang" of the hands)
Itataas ko na ang sagrada hostia
(The she puts the cup on her head)
At sa aking ulo ay nakakorona;
Kunang mong uliran alak sa misa
Miminsang itaas at iintumin na.
Yayamang ako po ay nakasunod na
Siguro naman po ay makasusutwau na;
Bago ko sinunod ang ganang sa iba
Ang ganang sa iyo siya kong inuna.
Inom inom na sa kamay ko galing
Sukdang ito'y lason di ka papatayin;
Kung magkasakit ka't sa akin ang dahil
Malayo man ako'y iyong ipagbilin.
(She gives the cup to the man)
(The man takes the cup)
Man--
Salamat sa diyos at nasunod mo rin
Ang lahat ng aking mga pita't hiling
Kung di mo masunod ako'y may gagawin
Ako ay tatampo hindi ako kakain.
Ako'y nakakita ng isang letrang a-a
Na nakaparigkit sa labi ng tasa;
Pagkakita ko ay aking binasa
Kahulugan nooy hati tayong dalawa.
(The woman takes one-half of the content
of the cup and the man takes the remaining half)
[p. 91]
FOLKSONGS
It has been the custom of the natives in Pagbilao to hold a "Harisanan" or "awitan" whenever there is a gathering. Usually the young and the old meet at social affairs like the eve of a wedding celebration, rice planting day and others. Sometimes this "awitan" takes place in what is called "Suwisan." This is a celebration done in barrios to elect new officials. After the election of the barrio officials the barrio folks are gathered together and begin their merry makings. The hostess requests a lady to begin the "awitan." The lady is given a cup or any container with wine. With the accompaniment of a guitar, clapping of hands and dragging of feet, she begins to dance and sing. The onlookers, who appreciated the graceful movements and the sweet voice of the lady, throw coins around her which she afterwards picks up as a present. The following are the version sang.
MGA KATUTUBONG AWIT
(Folksongs)
Naging kaugalian na ng mga mamamayan ng Pagbilao na magkaroon ng "Harisanan" o "awitan" kung nagkakatipon di lamang ang mga kabataan, kabinataan at matatanda. Ang mga ganitong tagpo ay nagaganap sa mga pasilungan. Ang pasilungan na tinatawag ay yaong gabi bago ganapin ang kasalan, hasikan o anumang kasayahan kinabukasan. Kung minsan ito ay nagaganap sa isang "suwisan." Ang suwisan ay yaong pagtitipon ginagawa sa mga bukid o nayon upang magpalitang taong nayon ng mga bagong punong-nayon. Ito ay dinadaluhan ng halos lahat ng taong nayon, mga lalaki at babae, at pati ang punong-bayan ay nadalo rin.
[p. 92]
tapos ng ganapin ang paksa ng pagtitipon ay isinusunod ang “awitan”. Karaniwan ay ang punong-abala ang nahihiling sa isang dalga upang pasimulan ang awitan. Ang dalga ay binibigyan ng tasa o anumang tagayang may lamang alak. Sa aliw ng gitara, tadyakan ng paa at tapik ng kamay, ang nahilingan ay nagsisimulang umawit at sumayaw. Habang sumasayaw siya, ay naghahagis naman ng kwarta ang mga natutuwang nanonood. Ang mga sumusunod ang kinagigiliwang awitin.
Yaring pagtindig ko sa harap ng madla
Una kong bibigksin, ang labi ko’t dila;
Di pa nabibigkas ng labi ko’t dila
Ang nangunguna na’y ang malaking hiya
Ako’y nahihiya umawit kundangan
Sapagkat ako po ay isang dayuhan;
Baka masabi ng sino’t alin man
Dayuhan pa namang walang alam.
Ako’y nahihiyang umawit ng tikis
Sapagkat ako po’y masama ang boses;
Mayroon tatawa, mayroon iismid
Magkakalabitan pa ang magkakaratig.
Ano kaya baga’t ako’y pinunta
Panapagindapat sa ganitong hunta
Ako’y di marunong bumasa ng letra
Kayo ang banalang magdedespenesa.
[p. 93]
Ano kaya baga’t ako ang dinampot
Hetang alanganin, kulang pa ang loob
Sanay sa kakainin ay di ikububusog
Kulang sa linamnam, di paris ng hinog.
Iyaabot ko may ng di malalaon
Yaring tangan-tangan, rosas de palaton;
Tinitingnan-tingnan, nililingon-lingon
At itinuturo pa ang wika’y doon.
Nariyan na nga’t sa iyo’y darating
Ang pinanganganlang mahal na inumin
Ipinagkakaloob ng mag-inang Birhen
Sa lalamanan mo huwag machirin.
Nariyan na nga po at darating sa iyo
Ang pinanganganlang mahal na tangay mo;
Ipinagkakaloob ng Poong si Kristo
Magandang maluwag sa lalamanan mo
(She hands the cup to the man she chooses.)
(The man takes the cup and follow the movement
of the woman as he sing the following:)
Man---
Salamet sa Diyos at ako’y pinilad
Pinalad man ako di ko naman hinanap;
Ito’y ugali na ng lalaking tapat
Ang hinahanap hanap ng masipag.
Ang tao nga pala kapag pinapalad
Mukhang na sa dilim ay nagliliwanag;
[p. 94]
Ang nakakahawig at nakakatulad
Kamahal-mahalang santong Diyos Anak.
Magpenta ka na’t ikaw ang mayroon
Magbabayad kaming hindi malaon;
Hintayin mo lamang kami ay makaipon
Magbabayad kami kahit ilang bayong.
Abot yaring kar’ta kapwa ko bata
At pagkaabot mo basahin mong bigla;
Nariyan ang langit, nariyan ang lupa
Nariyan ang lahat ng katuwa-tuwa.
(He hands the cup to the woman)
Woman--
Mahirap nga pala ang hindi marunong
Ng gawang umawit at gawang sumayaw;
Ang kinagisnan ko sa aking magulang
Pluma ko ay dulos ang papel ko ay parang.
Ako’y maaari nang nasunad nasuway
Tumatama kayo kung baga sa palay;
Tinitingnan mo ng malago ang uhay
Husto sa tulyapis sa laman ay kulang.
Ako’y pinipilit ako’y taong wala
Wika ko sa gayon namamglibhasa;
Gat-in man ng gat-in ang niyog na mura
Wala kang hihinting lalabas na gata.
[p. 95]
Ang wika noong mama ako ay maalam
Hindi naman niya ako tinuruan;
Ipalagay mong tinuruan mo man
Ituro mo uli aking nalimutan.
Ako’y paslam na palapa ng saging
Kung anong gawin mo siya kong gagawin
Kung ikaw’y sumayaw, ako’y sasayaw rin
Kung ikaw’y kumumpas, ako’y kukumpas din.
(The woman hands the cup to the man)
Man—
Mahirap nga pala ang hindi mo gusto
Tumawag-tawag may di mo asikaso;
Kung tama kung iyon na naaalaman ko
Nasa libanan pa’y ang tawag ko’y adyo
Magpautang ka may makababayad din
Kung di dito’y sa langit mo hintin;
Kung di makabayadiyong ipakerse!
Palayuan ng posens di na’y uuli rin.
(The man gives the cup to the woman)
Woman—
Susundin ko na ngang maluwag sa loob
Kahit di magulang ang siyang nagutos,
Mamamatay man ako at sa panununod
Masasabi-sabi talaga’y ng Diyos.
Ang kanan kong kamay ikumpas ko kaya
Tantong may halaga kung yaring kaliwa;
Sumala sa kibo mga pagwiwika
Tatawanan lamang matanda’t bata.
[p. 96]
(She begins the "kunintang" of the hands)
Itataas ko na ang sagrada hostia
(Then she puts the cup on her head)
At sa aking ulo ay nakakorona;
Kunang mong uliran alak sa misa
Maminsang itaas at inumin na.
Yayamang ako po ay nakasunod na
Siguro naman po ay makasusuwai na;
Bago ko sinunod ang ganang sa iba
Ang ganang sa iyo siya kong inuna.
Inom inom na sa kamay ko galing
Sakaling ito'y lason di ka papatayin;
Kung magkasakit ka't sa akin ang dahil
Malayo man ako'y iyong ipagbilin.
(She gives the cup to the man)
(The man takes the cup)
Man.—
Salamat sa diyos at nasunod mo rin
Ang lahat ng aking mga pita't hiling
Kung di mo masunod ako'y may gagawin
Ako ay tatampo hindi ako kakain.
Ako'y nakakita ng isang letrang e-a
Na nakaparikit sa labi ng tasa;
Pagkakita ko ay aking binasa
Kahulugan mo'y hati tayong dalawa.
(The woman takes one-half of the content
of the cup and the man takes the remaining half)
[p. 97]
PANDANGGHUHAN O PAAWITAN
In almost all occasions like in planting rice, marriage, baptismal and other feasts a native dance known to the people as Pandangghuhan or Paawitan is performed as part of the feast. This is one form of entertaining the visitors; the feast will not be very happy or not a success if this dance will not be performed. The dance is performed by the question and answer method. A male dancer or a female dancer may ask questions and will be answered in the form of a song. The singing is done with the accompaniment of a guitar, dragging of the feet with the audience, and the clapping of hands of other spectators. The dancer carries with him or her a cup of wine to be offered to a woman or a man he or she chooses to drink. The dancer dances while singing.
The frequently used verses in this dance are the following:
See Tagalog verses for this dance.
HARRISONAN O PANDANGGHUHAN
This dance is performed, with the accompaniment of a guitar, in almost all celebrations where there is drinking of wine. All persons present in the celebration can take part in this dance.
This is one of the happiest moments in a feast or gathering.
Costume — Any kind.
Music — This dance has only one particular music. Mostly this dance is performed by singing verses suited for the...
[p. 98]
occasion, there are many verses suited for gatherings like marriage and courting.
Introduction
A male or a female dancer called the designator has a bottle of wine and a cup. At the beginning of the dance the designator will drink the very first cup of wine. Then she or he will fill the cup again and this time the designator will begin singing the verses while dancing; she will dance as if looking for a partner to be. If he or she finds one, he will dance going nearer the partner-to-be and offer the cup of wine. Sometimes the person offered does not accept the cup at once. The offered person has so many requests. Sometimes the designator may be requested to dance with the cup on the head, and even to the extent of showing the designator’s talent in dancing with the use of a hat. Still others have reserved verses to answer back the verses sung by the designator. If the cup offered by the designator is accepted, the offered will then drink the wine. After drinking, the new designator will then fill the cup with wine and perform the dance made by the former; that is, he or she will look for another person to whom the cup will be offered.
See the Tagalog verses for this.
[p. 99]
MGA KATUTUBONG SAYAW (FOLK DANCE)
ITUBI - LUBI
Ang sayaw na ito ay tanyag saan mang pagtitipon na may tugtugan at may sayawan. Ito’y malimit sayawin kung ang sayawan ay nasa kanlitan na, ang wika nga, at ang lahat ng sayaw ay magkakakilala.
Kasootan — Ano mang damit ay maaaring gamitin.
Tugtug — Ang tugtug ay nabubuo sa apat na bahagi.
A, B, K, D
Bilang ng dapat sumayaw — Mula sa lima hanggang sa mayroong nais sumama. Kung dumami ang kasama ay lalong masigla at masaya.
Pasimula
Tugtug A — Pasimula
Ang bahaging ito ay maaaring gamitin ng mga lalaki sa pagkuha ng kanilang makakasayaw na babae.
I
Tugtug A —
Pagkakuha ng kasayaw ng mga lalaki ay maaari na silang sumayaw. Ang kapit at kilos ng paa ay tulad din sa isang sayaw ng “valse.” Ang mga nagsasayaw ay maaaring pumagitna saan mang dako ng silid sayawan.
II
Tugtug B —
Pagkatapos ng tugtug, lahat ng nagsasayaw ay gagawa ng isang bilog na malaki sa palibot ng silid sayawan. Pagkaayos na ang naulit na bilog, silang lahat ay bibitaw sa kani-kanilang kasayaw at magkakapit-kapit ang mga kamay ayon
[p. 100]
sa bilog. Ang tayo ng lalaki ay sa kaliwa ng babae. Kung ito ay ayos na, lahat ng kasama ay kikilos na tulad din ng sa "wrelee". Ang paa ay peurong ang kilos o di kaya ay pakaliwa o pakanan. Ang magkakahawak na kamay ay itatayo nang pahuli o pauna ayon sa kilos ng paa.
III
Sino mang may nais umupang sumayaw sa gitna ng bilog ay maaaring pumunta sa loob na kasama ang kaniyang kasayaw na babae. Doon sila sasayaw na tulad ng nasayaw ng "valse". Ang nasayaw ay naliligiran ng mga kasamang umawit at ang kilos ay tulad din ng nasa bilang II.
IV
Tugtug K —
Pagkatapos ng tugtug B, bibitaw ang lalaki sa kaniyang kasayaw at ang babae ay sasayaw na may kumpas "sway balance" habang tumatalpak ang lalaki ayon sa tugtug. Ito’y sa loob din ng bilog. Ang kilos ng mga kasamang nakapaligid ay tulad din ng nasa bilang III.
V
Tugtug D —
Pagkatapos magawa ng babae ang bilang IV ay lalaki naman ang gagawa ng pagsayaw na may kumpas at ang babae naman ang tatalpak.
VI
Tugtug K —
Pagkatapos magsayaw ang lalaki, ang dakwang nasa gitna ay pupunta na sa kanilang tayo at iyong kalapit naman nilang magsasayaw ng papagitan at sasayawin ang bilang III, IV, V.
Part I | Part II | Part III | Part IV | Part V | Part VI
